Sunday , August 14 2022
Pokwang  Lee O’ Brien

Pokwang binuweltahan ang basher — pakikipaghiwalay ‘di karma

MA at PA
ni Rommel Placente

NANG pumutok ang balitang hiwalay na si Pokwang at ang American actor na si Lee O’Brian, isang netizen ang nagkomento na karma raw ito sa komedyana.

Ang netizen ay supporter ni Pangulong Bongbong Marcos. At kaya siya nakapag-comment ng ganoon kay Pokwang ay dahil magkaiba sila ng sinuportahang presidente noong nakaraang eleksiyon. Si Pokwang kasi ay isang Kakampink.

“kaya pala masyadong bitter ngayon. Pinagkakaabalahan ang makipag-away sa mga pro marcos.karma ba yan @itspokwang27.” pagkutya ng netizen kay Pokwang.

Binuweltahan naman ni Pokwang ang kanyang basher. Ayon sa kanya, hindi raw ito karma kundi inihahanda siya para sa pagdating ng kanyang Mr. Right.

Sabi ni Pokwang published as it is, “hindi po karma ang tawag dun nililinis ni God ang daanan ko patungo sa tamang tao!

“ikaw kapag namatayan kaba ng kamag anak mo karma agad? Bakit may pinatay ba ako? gaga ka?”  

Hindi na sumagot pa ang netizen. Natakot siguro ito kay Pokwang.

About Rommel Placente

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Chloe Jenna Christine Bermas Milana Ikemoto

Chloe Jenna nahirapan makipaghalikan kay Christine 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MULING sumabak sa pagdidirehe ng sexy ang singer/aktor na si Jeffrey …