Saturday , July 27 2024
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Napurnadang appointment sa PPA

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

NAALIW ang mga usisero sa politika sa munting balita nitong Biyernes nang italaga ni Transportation Secretary Jimmy Bautista si Manuel Boholano bilang OIC-General Manager ng Philippine Ports Authority.

Hindi lamang ito dahil ang respetadong si Boholano ang itinuturing na most senior port manager ng ahensiya, kundi dahil mistulang binawi ni Pangulong Marcos, Jr., ang nauna nitong anunsiyo na ang negosyanteng si Christopher Pastrana ang susunod na magiging GM-designate ng PPA.

Sa pagbabasa sa mga komento sa Twitter ng PPA, naniniwala ang karamihan ng mga kritiko na hindi na kinaya pang pagtakpan ang sangkatutak na “conflict of interest” ni Pastrana sa pagtanggap niya sa pinakamataas na puwesto sa PPA.

Pinagpasapasahan sa social media ang naglutangang mga dokumento na nagsasabing ilang kompanyang iniuugnay kay Pastrana at sa kanyang pamilya ang nagkaroon umano ng mga paglabag at hindi pa nababayarang mga penalties sa PPA.

Ang isa pang nakaiintriga sa panig ng Malacañang ay ang katotohanang si Pastrana ay in-law ni Executive Secretary Vic Rodriguez, ang tao na tumatayong gatekeeper ng Presidente. Paanong nakalusot sa kanya ang mahahalagang detalyeng iyon na maaaring makaapekto nang negatibo sa ginagawang pagpapasya ni Marcos, Jr.?

Sa ngayon, naisalba ng mahusay na pamumuno ni Bautista ang bagitong administrasyon. Hindi lang ako sigurado kung hanggang kailan, lalo na dahil sa Department of Transportation (DOTr) Special Order No. 2022-129 na kanyang inilabas, itinalaga lamang si Boholano bilang PPA OIC-GM hanggang matapos ang buwang ito.

Sa katunayan, nag-tweet pa ang PPA na isasakatuparan ni Boholano ang mga gawain at responsibilidad ng isang OIC-GM “hanggang maitalaga ang isang permanenteng GM,” kahit nauna na ngang nangyari iyon.

Nagtanong-tanong ako sa ilang matagal nang insiders sa PPA tungkol dito at sinabi nila sa Firing Line na inaabangan pa rin ng port managers ang pamumuno ni Pastrana sa PPA. “Wala namang iba,” sabi ng isa sa kanila.

Ibinuking ng isang hindi pa nabeberipikang impormasyon –si Pastrana ay hindi dumaraan o nakikipag-ugnayan kay ES Rodriguez kundi “rekta kay BBM,” na nangangahulugang malinaw siyang pinapaboran ng Pangulo para pamunuan ang PPA, o kung anuman ang katotohanan dito.

*         *         *

Pinagpapaliwanag ni John Chiong, chairman at presidente ng Task Force Kasanag, ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa umano’y korupsiyon sa multi-bilyong pisong proyekto ng kagawaran sa ilalim ng termino ni Pangulong Duterte.

Hulaan n’yo kung sino ang hindi raw gagamitin ang kanyang prebilehiyo bilang mambabatas sa Senado para magbunyag ng kahit ano tungkol sa usapin. May narinig na ba kayo kay Mark tungkol dito?

Si Mark, tahimik lang.

*         *         *

Gusto ni Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves, Jr., na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport at gawing Ferdinand E. Marcos International Airport.

Ang akala ko ay nasa martial arts ang interes niya? Sumisipsip na rin pala siya ngayon? Alam n’yo ‘yung laro kung saan sisipain ang bola papunta sa goal, para lahat ng kagrupo ay buong kasiyahang tatapikin sa balikat ang naka-goal?

Mas mainam na maghain na lang si Rep. Teves ng panukala para palitan ng kanyang apelyido ang BF Homes upang libre nang makapaglabas-pasok ang anak niyang lalaki sa subdibisyon. Sa paraang iyon, hindi na kakailanganin pang ulitin ng kanyang anak at ng mga bodyguards nito ang panggugulpi sa guwardiya sa lugar.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pacquiao at Lapid ‘basurang’ kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio DAPAT pag-isipang mabuti ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung nararapat bang …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-asawa for mayor sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ni Parañaque City Cong. Edwin Olivarez, ang utol …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paghihintay sa SONA

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa …

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …