Tuesday , December 16 2025

TimeLine Layout

June, 2017

  • 23 June

    Tore ni Acuzar binulabog ng bomb threat

    NABULABOG sa isang bomb threat ang Victoria Towers sa Timog Avenue, Quezon City, nitong Huwebes ng umaga. Dakong 10:55 am nang kumalat ang balita kaugnay sa bomb threat sa condominium kaya agad pinalikas ang mga taong nasa commercial area ng gusali. Mabilis na nagresponde ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ngunit naging negatibo ang resulta ng kanilang …

    Read More »
  • 23 June

    Bong Revilla na-high blood, no show sa plunder trial

    bong revilla jr

    HINDI nakadalo si dating Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., sa pagsisimula ng plunder trial laban sa kanya sa Sandiganbayan kaugnay sa maanomalayang disbursement ng kanyang pork barrel funds. Si Revilla ay dumanas ng hypertension kaya dinala sa St. Luke’s Medical Center, ayon sa kanyang abogado. Gayonman, walang natanggap ang Sandiganbayan justices na paunang abiso kaugnay sa kondisyon ni Revilla. Itinuloy …

    Read More »
  • 23 June

    Ex-PCGG chair Sabio guilty sa graft

    sandiganbayan ombudsman

    HINATULAN ng Sandiganbayan First Division si dating PCGG chairman Camilo Sabio ng 12 hanggang 20 taon pagkabilanggo para sa dalawang bilang ng graft. Ang PCGG noong 2007 ay umupa ng tatlong Hyundai Starex, isang Toyota Altis, at isang Toyota Innova para sa halagang P5.93 milyon sa 36 buwan. Noong  2009, ang ahensiya ay muling pumasok sa lease contract na nagkalahalaga …

    Read More »
  • 23 June

    Maute members humalo sa bakwit (Armas inabandona)

    INABANDONA ng mga miyembro ng ISIS-inspired Maute terror group ang kanilang armas at humalo sa civilian evacuees upang makalabas ng Marawi City sa gitna ng operasyon ng mga tropa ng gobyerno, ayon sa ulat ng military official nitong Huwebes. “As their bailiwick native land, the terrorists are knowledgeable of the terrain here in Marawi City. They are also using that …

    Read More »
  • 23 June

    Tserman sugatan sa ratrat (Pagkatapos tambangan ang isang ex-Marine)

    SUGATAN ang isang barangay chairman makaraan pagbabarilin ng dalawang riding-in-tandem habang sakay ng kanyang sport utility vehicle (SUV) sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi. Unang itinakbo sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Kristo Hispano, 37, chairman ng Brgy. 649, Zone 88, at residente sa Blk.17A, 1 Bagong Lupa, Baseco, Port Area, Maynila, at kalaunan ay inilipat sa …

    Read More »
  • 23 June

    Cebu Pacific’s Riyadh-Manila flight na-delay (Bunsod ng technical problem)

    NANATILI ang Cebu Pacific flight 5J 741 mula Riyadh patungong Manila, sa King Khalid International Airport sa Riyadh habang patuloy ang maintenance ng nasabing eroplano, kahapon. Mayroong 432 pasahero ang nasabing flight, kabilang ang tatlong sanggol. Ang mga pasaherong may visa na maaaring makalabas ng paliparan ay inihatid sa accomodation na inilaan ng Cebu Pacific, o sa kanilang bahay. Ang …

    Read More »
  • 23 June

    P50-K Cocaine nasabat sa Makati

    NAKOMPISKA ang tinatayang P50,000 halaga ng cocaine sa isang buy-bust operation sa Leviste St., Makati City nitong Miyerkoles. Arestado sa nasabing operasyon ang suspek na si Robert Siosion, 43, sa aktong pagbebenta ng naka-sachet na cocaine sa mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG). Nakuha mula kay Sioson ang pitong sachet ng …

    Read More »
  • 23 June

    Digong busy sa trabaho ‘di sa Play Station

    NAGPASARING ang Palasyo na si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay busy sa trabaho at hindi sa play station. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang dapat ikabahala ang publiko sa ilang araw na hindi pagpapa-kita ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil style niya ito. Kahit aniya nawala sa mata ng publiko si Pangulong Duterte pero tuloy ang pagganap ng tungkulin bilang …

    Read More »
  • 23 June

    Judy sagot ni Digong (Kaya mabilis umaksiyon pabor sa Marawi)

    HINDI sagabal sa mabilis na pagtugon ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo kahit wala pa siyang ad interim appointment para maipagkaloob ang mga pa-ngangailangan ng mga residente sa Marawi City. Inamin ni Taguiwalo, todo ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagganap ng tungkulin bilang DSWD kaya wala si-yang pinoproblema. “I serve at the pleasure of the President, okay? So, …

    Read More »
  • 23 June

    Ka-DDS dapat mag-rectify kay Aznar (Mocha hihirit?)

    POSIBLENG maisalba sa panganib ang isang photographer na tinadtad ng banta makaraan akusahan ng netizens na nag-post ng real time footage ng bakbakan sa Marawi City. Ito’y kung mamamagitan si Communications Assistant Secretary Mocha Uson at kausapin ang kapwa ka-Duterte Diehard Supporter (DDS) na si RJ Nieto na nagmamantina ng blog na “Thinking Pinoy.” Matatandaan, ini-repost ni Nieto ang mga …

    Read More »