MATINDING minolestiya ang sex doll ng ilang kalalakihan at nasira bago pa man ito magamit ng sinoman.
Ayon sa may-ari, ang sex robot na si Samantha na £3,000 (P203,000) ang halaga ay iniwang “heavily soiled” makaraan i-exhibit sa tech fair.
Sinabi ni developer Sergi Santos, mula sa Barcelona, Spain, mistulang mga “barbarian” ang mga bisita sa Arts Electronica Festival sa Linz, Austria sa kanilang pagtrato sa “intelligent sex doll,” idinagdag na nabali ang dalawang daliri nito sa pag-aagawan ng mga kalalakihan.
“The people mounted Samantha’s breasts, her legs and arms,” ayon kay Sergi. “Two fingers were broken. She was heavily soiled.”
Dagdag ni Sergi, ang robot ay kailangang ibalik sa parcel sa Barcelona para kumpunihin at linisin makaraang iwanang marumi at nasira dahil sa matinding atensiyon mula sa kalalakihan.
Ngunit sinabing “Samantha can endure a lot, she will pull through.”
Si Samantha ay sex doll na tumutugon kapag hinawakan, nagsasalita at humahalinging.
Ayon sa ulat, tumataas ang demand para sa nasabing divisive product na ito.
Marami ang naniniwala na mainam ito bilang kasangkapan. Habang sinabi ng iba na ito ang senyales ng katapusan ng sangkatauhan.
Isinulat ni David Levy, may-akda ng Love and Sex With Robots, “This coming wave of sex robots will be human-like in appearance and size. They will have human-like genitals. And they will allow intercourse according to their owner’s sexual orientation and tastes.”
(mirror.co.uk)
Check Also
Pabalik-balik na frozen shoulder inabsuwelto ng krystall herbal oil
Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Una, magandang …
Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init
Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …
Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling sa Krystall Herbal Oil
Dear Sis Fely Guy Ong Magandang araw po sa inyong lahat. Ako po …
Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists
MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …
Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil
Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po …