Friday , May 17 2024

Classic Layout

Kidlat umutas ng 2 magsasaka 2 pa kritikal

TIGOK ang dalawang magsasaka at dalawa pa ang sugatan nang tamaan ng kidlat habang nagtatanim ng palay sa Brgy. Naglicuan, Pasuquin, Ilocos Norte. Kinilala ang mga biktimang namatay na sina Joven Ratuita Sr., 44; at Arnel Galiza, 30, habang sugatan sina Eddie Villanueva at Nick Cornelio, pawang mga magsasaka. Magkakatabing nagtatanim ang apat nang biglang kumulog at kumidlat, at tinamaan …

Read More »

Pangasinan hospital aapela vs 100 millionth baby

DAGUPAN CITY – Posibleng iapela ng pamunuan ng Pangasinan Provincial Hospital sa lunsod ng San Carlos ang paniniwala nilang sa kanilang pagamutan isinilang ang tinaguriang 100 millionth baby na inabangan noong madaling araw ng Linggo. Ayon kay Dr. Policarpio Manuel, Chief of Hospital ng PPH, eksaktong 12:20 a.m. ipinangana k ni Pamela Pedronio ang sanggol na lalaking si John Paul, …

Read More »

Buntis, 2 paslit tostado sa sunog

TATLONG kasapi ng isang pamilya ang patay nang makulong sa nasusunog na bahay sa Brgy. Coronon, Sta. Cruz, Davao del Sur nitong Lunes ng tanghali. Kabilang sa mga namatay ay si Noriza Hilay, walong buwan buntis; anak na si Paulo, 2; at pamangkin na si Hinata, 3-anyos. Ayon sa kasambahay na si Susana Montecerin, natutulog ang tatlo sa ikalawang palapag …

Read More »

Inday ganap nang bagyo

NABUO na bilang bagong bagyo ang sama ng panahon na namataan sa silangang bahagi ng bansa. Ayon kay Pagasa forecaster Connie Rose Dadivas, binigyan nila ito ng local name na Inday nang pumalo sa 55 kph ang taglay na hangin. Ngunit hindi ito inaasahang tatama nang direkta sa alinmang bahagi ng lupa. Gayonman, palalakasin nito ang hanging amihan na maaaring …

Read More »

4 sa 5 pugante arestado (Sa Rizal police station, Jail warden, jail guard sinibak)

SIBAK sa pwesto ang jail warden at duty jailer ng detention cell ng Taytay, Rizal Municipal Police Station nang matakasan ng limang preso nitong Lunes. Napag-alaman, palihim na nakuha ng isang menor-de -edad ang susi ng padlock sa selda makaraan libangin ang mga bantay, kaya nakapuga ang mga presong sina Florendo Ocampo, 36; Henry de Leon, 28; Christian Lipar; Jonathan …

Read More »

Binyag ng anak ‘di matutuloy ama nagbigti

NAGBIGTI ang isang construction worker nang walang maipon na pera para sa binyag ng kanyang anak sa Dasol, Pangasinan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si James Carlit Centino Laureano, 34, residente sa Sitio Salabusuban, Brgy. Magsaysay ng nasabing bayan. Sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ng misis ng biktima ang bangkay ni Laureano habang nakasabit sa tabla ng bubong sa terrace ng …

Read More »

Bike sumemplang kelot na kusinero nabagok

PATAY ang isang 30-anyos lasing na kusinero nang mabagok ang ulo makaraan sumemplang ang sinasakyang bisikleta sa Binondo, Maynila kamakalawa. Binawian nang buhay habang isinusugod sa Justice Jose Abad Santos Hospital ang biktimang si Jaime Daguplo, kusinero ng Crown Prince Hotel, at residente ng #817 Parola Street, Tondo. Sa imbestigasyon ni PO2 Dennis Turla ng Manila Police District Homicide Section, …

Read More »

3 holdaper ng UV express arestado

ARESTADO sa follow-up operation ng mga operatiba ng Police Community Precinct (PCP-1) ang tatlong holdaper kabilang ang kapangalan ng action star na si Robin Padilla, na nambibiktima sa mga UV Express, kahapon sa Pasay City. Nakapiit na sa Pasay City detention cell ang mga suspek na sina Jeo Lavadia, 18, ng #1836 Lim Ann St., Pasay City; Kris Lloren  18; …

Read More »

Kelot itinumba sa playground

PATAY ang isang 41-anyos lalaki makaraan barilin sa ulo ng hindi nakilalang suspek habang nasa play ground ng Baseco compound sa Port Area, Maynila kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Jimson Ibaan, walang asawa at trabaho, ng Pasuquin, Ilocos Sur. Inaalam ng pulisya ang pagkakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas makaraan ang insidente. Ayon sa …

Read More »

Napoles nasa adjustment period sa BJMP

TINIYAK ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na walang maaasahang special treatment si Janet Lim-Napoles, makaraan ilipat kamakalawa ng gabi sa kanilang jail facility mula sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna. Ayon kay BJMP Spokesman Aris Villaester, mula sa pagkain at rules sa bilangguan ay obligado rin na sumunod si Napoles. Ang meal budget niya ay …

Read More »