Wednesday , May 8 2024

Classic Layout

Bagyong Jose super typhoon na – JTWC

ITINUTURING na ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ang tropical Jose na may international name na Halong, bilang super typhoon. Ang nasabing bagyo ay pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) kamakalawa ng gabi at naging ika-10 sama ng panahon para sa taon 2014. Sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), hindi ito magkakaroon ng landfall …

Read More »

PNoy ‘di na uulit

WALANG balak si Pangulong Benigno Aquino III na labagin ang batas at palawigin pa ang kanyang termino kahit pa may gumugulong na online petition na humihiling na manatili siya sa Palasyo matapos ang 2016. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., malinaw ang nakasaad sa Saligang Batas na hanggang isang termino o anim na taon lang ang panunugkulan ng Pangulo …

Read More »

OFWs sa Liberia, Sierra Leone, Ebola free pa

NAKIKILAHOK ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Sierra Leone sa pag-iibayo ng mga hakbang sa Sierra Leone laban sa outbreak ng Ebola virus. Iniulat na deklaradong walang pasok at sarado ang lahat ng mga establisimento ngayong araw, Agosto 4, dahil sa National “Stay at Home Day.” Ang National “Stay at Home Day” for Family Reflections, Education and Prayers, ay …

Read More »

Gasolina ibinaba presyo ng diesel kerosene itinaas

IBINABA ng ilang kompanya ng langis ang presyo ng gasolina pero itinaas ang presyo ng diesel at kerosene na epektibong ipatutupad bukas. Unang inianunsiyo ng Flying V ang pagpapatupad ng pagbaba sa pres-yo ng gasolina ng P0.90 kada litro habang P0.40 ang itinaas kada litro ng kanilang diesel. Ibinaba ng Flying V ang kanilang presyo kasunod ng kompirmasyon ng Petron …

Read More »

Ex-chairman itinumba sa harap ng mag-ina

ISANG dating barangay chairman ang pinasok ng dalawang armadong lalaki sa loob ng kanyang bahay saka binaril sa harap ng kanyang mag-ina sa Escalante, Escalante City. Kinilala ang biktimang si Rommy Romo, dating kapitan ng Brgy. Dianay, Escalante City. Pinasok ng dalawang ‘di nakilalang armadong lalaki ang bahay ng biktima habang kumakain kasama ang kanyang misis at 16-anyos anak na …

Read More »

Parak timbog sa putok (Dahil sa selos)

KALABOSO ang isang bagitong pulis nang ireklamo sa pagpapaputok ng baril sa kalagitnaan ng pag-aaway nila ng kinakasama sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa. Si PO1 Jupiter Balea, 34, nakatalaga sa Camp Crame, ng 614 Makisig St., Bacood, Sta. Mesa, Maynila, ay inaresto ng nagrespondeng si SPO3 Edgar Mancal, ng MPD-SWAT. Ayon kay SPO1 James Poso, ng Manila Police District- General …

Read More »

NCIS star na ospital dahil sa Tina

NATURAL na blonde ang NCIS star na si Pauley Perrette at kaya itim ang buhok niya sa popular na serye sa telebisyon ay dahil pinatitina niya ang kanyang buhok sa nakalipas na 20 taon. Sa kabila nito, talagang nagulat ang TV star nang humantong siya sa ospital sanhi na rin ng severe allergic reaction dahil sa tina. “Nagmukha bang puffy …

Read More »

Kumusta Ka Ligaya (Ika-8 labas)

INISIP NI DONDON NA UMIIWAS SA KANYA SI LIGAYA PERO NABUHAYAN NG LOOB DAHIL SA DATING KOSA   “Basta’t maayos ang sweldo at marangal na trabaho, e, dapat na natin pagtiisan, di ba?” ang sabi ni Ligaya na parang payo na rin sa kanya. “Kaso nga,e, wala akong makita…” aniya sa pagtutungo ng ulo. Pinisil siya sa kamay ng dalaga. …

Read More »

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 50)

SIRAAN NANG SIRAAN SINA RYAN AT JAY PARA KAY MEGAN PERO IBA ANG DISKARTE NI ATOY May pintas pa si Jay kay Ryan: “Astang wa-pog (pogi ang katumbas na salitang wa-pog sa nga Caviteño) ang kulangot na ‘yun, e, daig naman ng kilikili niya ang putok ng baril de-sabog.” Satsat naman ng mahabang dila ni Ryan laban kay Jay: “Diskarte …

Read More »

Binoe at Mariel, sure na sure na sa Talentadong Pinoy

KOMPIRMADONG sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez na ang hosts ng Talentadong PInoy na magsisimula na sa susunod na buwan. Kahapon (Biyernes) ginanap ang pictorial ng mag-asawang Binoe at Mariel para sa promo ng TP at magsisimula silang mag-taping sa Agosto 7, base na rin sa kuwento ng taga-TV5. Kaya kaagad naming tinawagan si Mariel tungkol dito at hindi naman …

Read More »