SUGATAN ang isang driver/bodyguard ng konsehal nang aksidenteng pumutok ang kanyang service firearm habang tinatanggalan niya ng magazine kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala ng kalibre .40 sa kanang tuhod ang biktimang si Chris John Joaquin, 33, driver/bodyguard ni Malabon City Councilor Japs Garcia, at residente ng 11 …
Read More »Blog Layout
Imbestigasyon vs Marcos paintings nakatengga sa Kamara
WALA pa rin aasahan ang taumbayan na mabawi ang artworks na pinaniniwalaang kasama sa ill-gotten wealth ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Sa panayam ng Hataw kay Kabataan Party-List media officer Marjohara Tucay, natutulog pa rin sa House Committee on Rules ang dapat sanang pag-iimbestiga sa nasabing paintings na ‘di mabawi-bawi ng gobyerno. Kung matatandaan, nag-ingay si Kabataan Party-list Terry Ridon dahil …
Read More »2 patay sa landslide sa Kennon Road (4 pa sugatan)
DALAWA ang patay sa pagguho ng lupa sa Camp 7 sa Wabac, Kennon Road sa Baguio City, dakong 9 a.m. nitong Lunes. Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan si Marjorie Magsino, 33-anyos, taga-Urdaneta, Pangasinan. Kinilala ang ikalawang biktima na si Teresita De Guzman, 61, binawian ng buhay sa Baguio General Hospital. Sugatan ang 40-anyos driver ng van na si …
Read More »Motorcycle rider utas 2 malubha sa banggaan
PATAY ang isang 34-anyos lalaki habang dalawa ang malubhang nasugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo kahapon ng umaga sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Bernardino General Hospital ang biktimang si Ramel Regala, ng 22 Pajo, Meycauyan, Bulacan, sanhi ng pinsala sa ulo at katawan. Habang kapwa nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan ang nakabanggaan niyang si Mark …
Read More »Patong-patong na kaso vs candy vendors
SINAMPAHAN na ng patong-patong na kaso ng pulisya sa Surigao del Sur ang limang candy vendors makaraan malason ang mahigit 1,900 mag-aaral sa kanilang ibinentang Wendy’s Durian at Mangosteen candies. Inihain ang kaso sa Regional Trial Court Branch 27 sa Tandag City. Kabilang sa isinampang kaso laban sa mga suspek ay reckless imprudence resulting in multiple serious physical injuries sa …
Read More »Special child hinalay ni tatay (Sa itaas ng nitso)
KALABOSO ang isang 58-anyos sepulturero ng Manila North Cemetery makaraan maaktohan ng mga barangay tanod ang panghahalay sa kanyang anak na special child sa ibabaw ng nitso sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling araw. Itinago ang biktima sa pangalang Gina, 23, isip-bata, pang-apat sa limang magkakapatid at nag-iisang babae. Habang nakapiit na sa Manila Police District-Women’s and Children’s Protection …
Read More »3 tigok sa NPA vs gov’t troops sa Atimonan
TATLO ang patay makaraan maka-enkwentro ng mga sundalo ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Atimonan, Quezon kamakalawa. Sinabi ni 201st Infantry Brigade Commander Colonel Rhoderick Parayno, kabilang sa mga napatay ang isang sundalo, isang sibilyan, at isang miyembro ng NPA. Habang sugatan ang apat na sundalo gayondin ang ilang miyembro ng NPA na hindi nabatid ang bilang. …
Read More »Hihirit nang sobra-sobrang pondo sa 2016 parusahan (Isinulong ng minorya sa Kamara)
BINALAAN ng minorya sa Kamara ang mga ahensiya ng gobyerno laban sa paghingi ng sobra-sobrang pondo mula sa 2016 national budget. Sa harap ito ng napipintong pagsusumite ng Malacañang sa Kamara ng mahigit P3 trillion budget para sa susunod na taon. Sa ngayon, isinusulong ni Bayan Muna rep. Neri Colmenares na maparusahan ang mga opisyal ng mga ahensiyang hihingi ng …
Read More »2 airport police nabaril
DALAWANG miyembro ng Airport Police Department ang nasugatan makaraang pumutok ang baril habang nililinis ng isang pulis nitong Linggo ng hapon. Kinilala ang dalawang biktima na kapwa airport police officers 1 (APOs1) na sina Edcel Biag, 22, at Lubigan Barongrong, 22, kapwa isinugod sa San Juan de Dios Hospital dahil sa parehong tama sa kaliwang hita. Lumalabas sa imbestigasyon na …
Read More »CCTV footage isinumite na sa Camp Crame (Sa mag-asawang nalason)
PARA sa ikalilinaw ng kaso, isinumite na kahapon ng pamunuan ng Las Piñas City Police Anti-Cyber Crime, Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang CCTV footage sa mag-asawang manager na nalason sa parking area ng isang community mall sa Las Pinas City nitong Huwebes ng hapon. Nabatid sa hepe ng Public Information Office (PIO) ng Las Piñas City Police, na si Chief Inspector …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com