Ang palpak na LINAC-Radiation Therapy ng JRMMC? (Attn: DOH Sec. Janet Garin)

jose reyesMarami ang nagtatanong at nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay sira at hindi mapakinabangan ang radiotherapy equipment sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC).

Marami tayong mga kababayan na nangangailangan nito pero hindi mapakinabangan kasi laging sira.      

Halos ilang buwan na umanong nakatengga ang radiation therapy sa LINAC ng JRMMC.

Ang JRRMC ay nasa pamamahala ng Department of Health na pinamumunuan ngayon ni Secretary Janet ‘pabebe’ Garin.

Walastik!!!

Ang hinaing ng mga pasyenteng nganga na lang sa LINAC, mukhang hindi nabibisita ni DOH Sec. Garin ang JRMMC na katabi lang ng DOH main office sa Tayuman at Avenida Rizal, Sta. Cruz, Maynila kaya hindi n’ya alam na matagal nang palpak ang nasabing makina.

Kung ganyan ang nangyayari sa JRMMC na nasa tungki lang ng ilong ni Garin ‘e what more sa iba pang mga DOH-run hospital!?

Kaya ang ipinagagamit ng JRMMC sa mga pobreng pasyente ay COBALT na medyo mas may kamahalan kaysa LINAC!

What the fact!?

Mabuti na lang daw at masipag at may puso ang ilang tauhan ng JRRMC na mag-text at impormahan ang mga pobreng pasyente kung ano ang status ng sira-sirang LINAC.

Katuwiran ng isang JRRMC personnel, nakatengga pa sa loob ng Customs ang replacement parts ng LINAC.

DOH Sec. Janet Garin, ano ba talaga ang problema at solusyon sa problemang LINAC na ‘yan!?

Aba’y bawas-bawasan ninyo ang ‘pabebe’ sa TV ads at diyan muna ninyo ibuhos ang pondo sa LINAC!

Pwede ba!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com