Friday , December 19 2025

Blog Layout

Investment scam kaya bang sugpuin?

MARAMING Pinoy ang  patuloy pa ring naeengganyo na kumita sa pamamagitan ng “easy money.”  Ito ‘yung maglalagak nang malaking halaga ng pera sa paniwala na madaling tutubo kahit walang ginagawang pagbabanat ng buto dahil ang pera na mismo ang kikilos para sa paglago nito. Kaya nga hanggang ngayon marami pa rin ang mga naloloko ng mga investment scam mula sa …

Read More »

‘Isda’ nagwelga sa mesa (Sa fishing ban ng Malacañang)

LUMAHOK sa tinawag na “fish holiday” ang mga mangingisda at manggagawa sa Navotas Fish Port  bilang protesta sa nalalapit na pagpapatupad ng fishing ban sa Manila Bay sa nalalapit na Setyembre, sa taong ito. Ayon sa mga mangingisda, manininda at maliliit na manggagawa sa Market 3, 4, & 5, “Ang balakin ng gobyernong ito ay hindi makatao sapagkat libo-libong mamamayan …

Read More »

Oposisyon sa SONA no big deal — Palasyo

HINDI big deal sa Palasyo ang pagdalo sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III ng mga kilalang oposisyon, partikular ni Vice President Jejomar binay na ngayon ay kritiko ng administrasyon. “Ayon din ‘yan sa karapatan at katungkulan ng mga pangunahing opisyal ng ating bansa na dumalo sa kaganapang ito,” ani Communications Secretary Herminio Coloma …

Read More »

May-ari ng Kentex Gatchalian kasuhan — DoJ (Sa sunog sa pabrika)

INIREKOMENDA ng Department of Justice na sampahan na ng kasong administratibo at kriminal ang mga may-ari ng Kentex Manufacturing Corporation at ilang opisyal ng Valenzuela kaugnay sa sunog noong Mayo 13. Pinakakasuhan na rin ang mga empleyado ng Ace Shutter Corp., ang kompanyang responsable sa isinagawang welding sa nasunog na pabrika ng tsinelas na mahigit 70 ang namatay. Kabilang sa …

Read More »

Pekeng bigas nasa Pasay City na?

PINANGANGAMBAHAN ng mga residente ng Pasay City na posibleng umabot na ang sinasabing kumakalat na pekeng bigas sa kanilang lungsod, makaraan 20 katao ang nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagdumi makaraan kumain ng sinaing na bigas na binili sa isang tindahan kamakalawa ng tanghali. Nagtungo kahapon sa himpilan ng Pasay City Police ang dalawa sa 20 katao na kinilalang …

Read More »

5 miyembro ng sindikato ng pekeng pera arestado

PINAG-IINGAT ng mga awtoridad ang publiko sa kumakalat na pekeng P1,000 bill makaraan maaresto ang lima katao sa entrapment operation ng mga tauhan ng Manila Criminal Investigation and Detection Team sa Recto, Maynila kamakalawa. Nakapiit na sa himpilan ng pulisya ang mga suspek na sina Richard Ansos, 31; Ramonsito Joseph, 43; Rodolfo Paerat, 48; Adelaida Castillo, 36; pawang mga residente ng …

Read More »

Ginang nabaril ng pulis sa mall

NAHAHARAP sa reklamo ang isang pulis makaraan aksidenteng tamaan ng bala ang isang ginang habang sila ay nasa isang mall sa Malolos City, Bulacan kamakalawa. Kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Noime Llyod, 42, residente ng Bambang, Bulakan, Bulacan, habang ang suspek ay kinilalang si Insp. Mark Henry Gonzales, 25, residente ng Iba, Hagonoy, at nakatalaga sa …

Read More »

GMA ‘di talaga kayang makaabante sa ASAP; Show ni Willie, butata rin

  MUKHANG suko na nga ang Channel 7 sa kanilang Sunday programming. Ibinigay na nila ang kanilang Sunday slot sa Tape Inc., na siya ring producer ng Eat Bulaga para sa isang bagong show na papalit na sa kanilang Sunday All Stars. Hindi kasi tinalo ng alin man sa kanilang nagpapalit-palit ng format at title ang kalaban nilang ASAP. Ngayon …

Read More »

Wowowin ni Willie, sisibakin na rin daw ng GMA?

  BUKOD sa Sunday All-Stars, isa pang programa tuwing Linggo ang nanganganib na masibak ng GMA 7. Ayon sa aming source, susunod na titigbakin ng Siete ang game show ni Willie Revillame, angWowowin, na napapanood pagkatapos ng SAS. Nagpalabas ng ultimatum ang GMA kay Willie tungkol sa renewal ng kontrata nito bilang blocktimer na mapapaso na sa katapusan ng Agosto. …

Read More »

Rayver Cruz, kilabot ng mga beauty queen

KAPANSIN-PANSIN na panay mga beauty queen ang laging partner ni Rayver Cruz sa pagsasayaw sa mga variety show ng ABS-CBN. Noong isang Linggo sa ASAP 20 ay naging kapartner ni Rayver sa Nae Nae dance sina Bb. Pilipinas Universe 2015 Pia Wurtzbach at dating Bb. Pilipinas International na si Bea Rose Santiago. At sa It’s Showtime kinabukasan ay naging partner …

Read More »