
“Nakaka-touch, overwhelmed din. Pero sabi ko nga, ‘yung simpleng marami kang napapatawa…kasi marami sa amin ang nagsasabi lalo na nang nagpunta kami sa St. Lukes na may pinuntahan kaming isang nanay na pasyente roon, sinabi nila sa akin, ‘salamat po kasi napapasaya n’yo ang nanay namin kapag nanonood ng AlDub. So, ‘yun ang parang malaking reward na nakakapagpasaya kami ng mga taong malungkot, may sakit.”
Ano naman ang ipinagpapasalamat mo sa nangyayaring ito? “Kumbaga sa dinami-raming character na ginagaya ko noon pa, ito lang talagang si Lola Nidora ang nabigyan ng moment. Ito ‘yung pinakanakilala,” giit pa ni Wally na aminadong masaya sa nangyayari sa kanyang career sa kasalukuyan.
“Masaya ako lalo roon sa mga mentor ko, unang-una na, parang sabi ko hindi ko sasayanging ‘yung chance na ibinigay nila sa akin, unang-una sa Eat Bulaga. Pangalawa ‘yung mga sa mentor ko, si Mamu, William Espejo, sa mga nagtuturo sa akin dati, sa school ko na pinagtapusan sa Naga, mga Bicolano. Naibawi ko ‘yung chance na naibigay nila sabi ko nga.”
Sa kabilang banda, alam n’yo bang kahit ang mga anak pala ni Wally ay apektado sa mga nangyayari sa KalyeSerye? “Noong una na parang kinokontra ko si Alden para kay Maine, galit ang mga anak ko at nagtatanong ng ‘bakit papa mad ka kay alden and Yaya?’ Sinasabi ko sa kanila na script lang ‘yun. Tapos noong pumapayag na ako na mag-date ‘yung sina Alden at Yaya Dub at medyo maluwag na siya sa dalawa, sabi ng bunso ko, ‘yan very good na si papa’.”
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio