Monday , May 20 2024
Miguel Tanfelix Ysabel Ortega Running Man

Miguel sobrang na-miss si Ysabel nang mag-Korea

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA loob pala ng 43 days na nasa South Korea si Miguel Tanfelix para sa shoot ng Running Man Philippines Season 2 ay gabi-gabing kausap ni Miguel sa telepono si Ysabel Ortega.

Lahad ni Miguel, “Iyon naman po ‘yung compromise naming dalawa since 43 days ako sa Korea. 

“Parang every night, tinatawagan ko siya, talked about our day. O kaya, ‘Good night,’ ganyan.

“Tapos kunwari may episode kami, ikukuwento ko talaga sa kanya from start to finish kung paano itinakbo ang buong episode.”

Aminado si Miguel na nalungkot siya sa mga unang araw niya sa South Korea.

Pero nakatulong naman at nagdulot ng maganda na naranasan nila ni Ysabel na mahiwalay sa bawat isa ng mahigit isang buwan.

Nalungkot po. Pero sabi ko naman po kay Ysabel na challenge rin ‘yun sa relationship namin kung kaya namin mag-LDR [long distance relationship].

“Kasi, may mga relationship na strong lang sila ‘pag nakikita nila ang isa’t isa. Pero kapag matagal na nahiwalay, parang mahina.

“So, ako excited akong i-take ‘yung challenge na iyon.”

Ano na ba ang estado ng relasyon nila?

Ngayon, kami ni Ysabel, we’re doing really good. ‘Yung relationship namin, sobrang strong. Siguro dahil na rin dito sa 43 days na nasa Korea ako.

“Rito namin nalaman na kaya naming mabuhay na malayo sa isa’t isa, as long as open ang communication namin, and trust sa isa’t isa. Malaking factor ‘yun sa relationship namin.”

Mapapanood na tuwing Sabado at Linggo simula May 11, 7:15 p.m. at May 12, 7:50 p.m.. Ang iba pang runners ay sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Lexi Gonzales, Buboy Villar, Kokoy De Santos, at Angel Guardian.

About Rommel Gonzales

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …