Sunday , May 19 2024
Sarah Geronimo Bamboo Zaldy Co Mylene Co

Sarah G, Bamboo, Apl de Ap nakisaya sa Bicol Loco Fest

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAPAKASAYA ng naging selebrasyon ng kauna-unahang Hot Air Balloon event sa Albay, Bicol kaugnay ng Bicol Loco Festival 2024, last May 2-5.

Hindi lang mga local tourist ang dumagsa sa event dahil pati mga nakasalamuha naming foreigners (guests and media peeps) ay aliw na aliw sa ganda ng Albay.

At nagkaroon pa ng two night concert na naging highlight ng entertainment part. Nag-concert lang naman sina Sarah Geronimo at Bamboo noong May 2, with a surprise appearance of Apl de Ap. Si Robi Domingo ang host kaya’t nagmistulang ABS-CBN The Voice ang show, lalo’t si maestro Louie Ocampo ang naging musical director ng concert.

On the second night, ang inyong lingkod naman ang naging host, with Jericho Rosales and Ely Buendia as performers. 

Grabe pero sa halos 80k (on both nights) na spectators and crowd na dumagsa sa old airport grounds ng Legazpi. Albay. Talagang super box-office itong maituturing lalo’t sa mga recorded events sa region, ‘yun na ang may pinaka-malaking audience.

Ang AKO BIKOL party list sa pamumuno ni Cong, Zaldy Co at asawa nitong si Madam Mylene Co, with their other leaders and staff ang nag-produce at namahala ng event.

Congratulations sa mga kapwa Uragon kong mga tugang at kababayan!

About Ambet Nabus

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …