Sanya Lopez Coleen Garcia Faye Lorenzo

Boobs ni Sanya nagmumura sa isang poster 

I-FLEX
ni Jun Nardo

BUMUBULWAK ang boobs ni Sanya Lopez sa poster ng bagong movie ng GMA Pictures na Playtime. Kasama ni Sanya sa poster ang kasama rin  sa movie na sina Coleen Garcia at Faye Lorenzo.

Si Xian Lim ang nag-iisang leading man sa movie at mula ito sa panulat at direksiyon ni Mark Reyes.

Sa nabasa naming synopsis ng movie, parang alam na namin ang takbo ng buong movie. Hindi nga lang namin alam kung kanino kina Sanya, Coleen, at Faye mapupunta si Xian.

Co-production ng Viva Films at GMA Pictures ang Playtime.