Thursday , May 23 2024
Magayon Chess Bicol
NASA larawan mula sa kaliwa sina Recarte Tiauson, Vladimir Gonzales, team manager Dr. James Emerson Orfanel, at Virgen Gil Ruaya.

Rakius Dental Care Chess Team A kampeon sa Magayon Chess Festival 2024 Tatluhan Team Tournament

MANILA — Pinagharian ng Rakius Dental Care Chess Team A ang Magayon Chess Festival 2024 Tatluhan Team Tournament noong Sabado, 4 Mayo, sa Albay Provincial Capitol sa Legazpi City, Albay.

Pinangunahan ni Virgen Gil Ruaya ang Rakius Dental Care Chess Team A sa kampeonato na suportado ni team manager Dr. James Emerson Orfanel at ginabayan nina Recarte Tiauson at Paul Sanchez.

Nagtapos ang Rakius Dental Care Chess Team A na may limang panalo at isang tabla para pamunuan ang 28-team meet. Tumanggap sila ng P25,000 para sa kanilang pagsisikap.

“With experience on their side, the Rakius Dental Care Chess Team A topped the Magayon Chess Festival 2024 Tatluhan Team Tournament last Saturday,” sabi ni team manager Dr. James Emerson Orfanel.

Tinalo ng Rakius Dental Care Chess Team A ang Governor Grex Lagman Team B, 2-1, sa unang round, Sta. Rosa Lions 2.5-0.5, sa second round, Governor Grex Lagman Team A, 3-0, sa third round, King’s Gambit Part 2, 2-1, sa fourth round, at Naga Masbate City, 2-1, sa ikaanim at huling round.

Hinati nila ang mga puntos sa University of Perpetual Help System DALTA, 1.5-1.5, sa ikalima at penultimate round.

Ang Six Round Swiss System, Match Points System, 15 minutes plus 3 seconds Rapid time control format na inorganisa ng Provincial Capitol ng Albay.

Tumapos ang King’s Gambit Part 2, sa ika-2 puwesto na sinundan ng third placers University of Perpetual Help System DALTA. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Labog kampeon sa 9th leg ng PCAP Champions League Open chess tilt

Labog kampeon sa 9th leg ng PCAP Champions League Open chess tilt

MANILA — Nagkampeon si Marc Kevin Labog ng Solano, Nueva Vizcaya sa 9th leg ng …

2024 Philracom 1st leg ng Triple Crown nakopo ng kabayong si Ghost

2024 Philracom 1st leg ng Triple Crown nakopo ng kabayong si Ghost

NAKOPO ng dehadong kabayo na si Ghost ang 2024 Philippine Racing Commission (Philracom) 1st Leg …

Ethan Parungao COPA

Batang manlalangoy itinanghal na Most Outstanding Swimmer sa COPA NCR-AFO Championship 2024

ITINANGHAL na Most Outstanding Swimmer (MOS) ang 8-anyos na si Ethan Parungao na nagkamit ng …

Eric Buhain Patricia Mae Santor PAI COPA

Evangelista, Melencio, Santor kumuha ng MOA title sa COPA meet

NAKOMPLETO nina Aishel Evangelista, Patrica Mae Santor, at Ricielle Maleeka Melencio ang dominasyon at inangkin …

2024 CPBA 9-Ball Teams Invitational tournamen

PH versus Taiwan sa 9-ball showdown

NANGAKO ang Team Philippines na magpapakita ng magandang laban sa pakikipagsargohan sa Team Chinese Taipei …