Friday , May 24 2024
Jessica Sese Francisco

HDO inihain ng BI vs ‘estapadorang’ dra.

ISANG babaeng nagpapakilalang doktor ang inilagay sa hold departure order (HDO) ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa kasong estafa.

Kinilala ang nagpapakikilalang doktora na may alyas na Jessica Sese Francisco.

         Ipinalabas ng BI ang HDO noon pang 28 Pebrero 2024 na nilagdaan ni Commissioner Norman Tansingco.

Sa nasabing HDO, tiniyak ni Tansingco na dapat itong ipagbigay-alam sa lahat ng BI – Ninoy Aquino International Airport (BI-NAIA) terminal heads at sa BI National Operations Center (BINOC) upang hindi makalabas ng bansa si Francisco.

Sa pamamagitan ng HDO, ang isang subject person na naisyuhan nito ay kinakailangang kumuha muna ng clearance sa korte o law enforcement agencies bago makalabas ng bansa.

Sa kabila ng kasong kinahaharap ni alyas Jessisa Sese Francisco ay wala pang warrant of arrest na inilalabas laban sa kanya kung kaya’t hanggang ngayon nakalalaya pa rin siya.

Inabisohan ng BI si Francisco hinggil sa kanyang HDO sa huling address na nakuha ng mga awtoridad na matatagpuan sa Parañaque City.

         Kaugnay nito, kinokompirma ng mga awtoridad ang identidad ni alyas Jessica Sese Francisco na pinaniniwalaang dati nang nasangkot sa mga iregularidad. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Alice Guo Chiz Escudero

Presumption nananatili – SP Chiz Escudero 
NAG-AKUSA vs MAYOR GUO DAPAT MAGLABAS NG PRUWEBANG HINDI SIYA PINOY

HINDI si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kundi ang mga nag-aakusa sa kanya ang dapat …

Mr DIY Brigada Pagbasa 1

Teachers for a Day: MR.DIY, World Vision, empower Baseco Youth through ‘Brigada Pagbasa’

Volunteers from MR.DIY engaging in fun activities with 34 schoolchildren from the Sen. Benigno Aquino …

Ops vs krimen umarangkada 24 suspek timbog sa Bulacan

Ops vs krimen umarangkada 24 suspek timbog sa Bulacan

NASAKOTE ang 24 inidbiduwal na sangkot sa iba’t ibang krimen at paglabag sa batas sa …

Sa Orion, Bataan BATAKAN BINAKLAS, 4 DURUGISTA TIKLO

Sa Orion, Bataan
BATAKAN BINAKLAS, 4 DURUGISTA TIKLO

WINASAK ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Police Office (BPO) sa …

2 Most wanted persons ng CALABARZON arestado

2 Most wanted persons ng CALABARZON arestado

NASAKOTE ang dalawang lalaking nakatala bilang Regional Level Most Wanted Persons sa magkahiwalay na manhunt …