Friday , December 19 2025

Blog Layout

2 Taiwanese tiklo sa P1.7-B shabu chemicals (1 pa timbog sa P500-M shabu)

SINALAKAY nang pinagsanib na puwersa ng Las Piñas City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang hinihinalang shabu laboratory na nagresulta sa pagkahuli sa dalawang Taiwanese national at nakompiska ang mga kemikal na sangkap sa paggawa ng shabu na nagkakahalaga ng P1.7 bilyon kamakalawa sa Las Piñas City. Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang dalawang Taiwanese na sina …

Read More »

‘Butchoy’ signal no.1 sa Batanes

NAKATAAS na ang tropical cyclone signal number one sa Batanes Group of Islands dahil sa typhoon Butchoy. Ayon kay PAGASA forecaster Aldzar Aurelio, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 860 km silangan ng Calayan, Cagayan. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 195 kph at may pagbugsong 230 kph. Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis …

Read More »

9-anyos minimum na edad ng akusado isinulong

arrest prison

INIHAIN ni incoming House Speaker at Davao Del Norte Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez ang panukalang batas na naglalayong ibaba ang minimum na edad para sa criminal liability o “Minimum Age of Criminal Responsibility Act.” Ito ang pangalawang panukala ni Alvarez mula nang maiproklama siyang panalo sa nakaraang eleksiyon. Ang unang bill ng kongresista ang kontrobersiyal na death penalty bill. Sa …

Read More »

Holdaper natunton sa GPS, utas sa parak

dead gun

PATAY ang 36-anyos hinihinalang holdaper makaraan matunton ng mga awtoridad ang kinaroroonan sa San Andres Bukid, Maynila sa pamamagitan GPS kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang suspek na si Conrado Berona lll, alyas Concon, may asawa, jobless, residente sa Tenorio St., San Andres Bukid. Sa report na isinumite ni Insp. Dave Abarra, hepe ng MPD-Anti-Crime, kay Supt. Robert …

Read More »

2 NPA, civilian volunteer utas sa sagupaan sa Zambo Sur

dead gun police

ZAMBOANGA CITY- Dalawang hinihinalang kasapi ng New People’s Army (NPA) ang napatay habang sa panig ng tropa ng pamahalaan ay isang civilian volunteer ang namatay sa enkwentro sa Purok 7, Brgy. Supon, Bayog, Zamboanga del Sur kamakalawa. Ayon kay Major Filemon Tan, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (WestMinCom), pinuntahan ang lugar ng tropa ng 53rd Infantry Battalion ng Philippine Army …

Read More »

PNP nayanig sa pasabog ni Digong

KUMBAGA sa lungga ng mga daga, biglang nagpulasan ang mga sangkot sa ilegal na droga nang pasabugin na ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang pangalan ng mga heneral na sinabi niyang sangkot sa droga. Mayroong sumalag agad. Mayroong nagpaliwanag kung bakit siya yumaman. Pero mayroon din naman nanahimik. Kasunod nito, ipinatapon na rin sa Mindanao ang 35 pulis-NCRPO, karamihan ay …

Read More »

Time-out daw muna si Comelec Chairman Andres Bautista kaya postponed muna ang barangay election

Naku, kawawa naman si Chairman Andres, napagod last May 09 elections… Kaya ayaw muna niyang ituloy ang barangay election sa Oktubre. Aba ‘e kung napapagod, magpahinga at umuwi na! Nagtataka nga tayo ngayon diyan sa Comelec dahil ang dalas na nagsisigalot ng mga commissioner. Sabi nga mga insider, sa government agencies kapag may away, isa lang ang dahilan… kuwarta lang …

Read More »

PNP nayanig sa pasabog ni Digong

Bulabugin ni Jerry Yap

KUMBAGA sa lungga ng mga daga, biglang nagpulasan ang mga sangkot sa ilegal na droga nang pasabugin na ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang pangalan ng mga heneral na sinabi niyang sangkot sa droga. Mayroong sumalag agad. Mayroong nagpaliwanag kung bakit siya yumaman. Pero mayroon din naman nanahimik. Kasunod nito, ipinatapon na rin sa Mindanao ang 35 pulis-NCRPO, karamihan ay …

Read More »

Hari na ang nagsalita! At lotteng ni LM sa QC

NAKAGUGULAT  ang expose ni Pangulong Digong Duterte nitong Martes sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng ika-16 anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF). Limang heneral mula sa Philippine National Police (PNP) na pawang mistah o upper class ni PNP Chief, Director General Roland “Bato” Dela Rosa, sa Philippine Military Academy (PMA), ang pinangalanan ng Pangulo na sangkot sa illegal drugs. Ang …

Read More »

Bagitong cong may Hydrocephalus!

the who

THE WHO si neophyte congressman na hindi pa man nagsisimula ang session para sa 17th Congress ay nag-iinarte na agad? Hak hak hak hak hak! Ano?! Feeling sikat na?! Ayon sa ating Hunyango, itago na lang natin si mambabatas sa pangalang “distorted legislator”or in short LD dahil wala raw sa hulog ang ginawa niya sa ilang mamamahayag na nagko-cover sa …

Read More »