KOMPIYANSA si Ilocos Sur ex-Gov. Chavit Singson na mananalo ang kanyang consortium na LCS Group-TierOne Communications sa bidding para sa 3rd telecommunications player sa bansa. Sa isang panayam, sinabi ni Chavit, “Kung P100 ang presyo nila (Globe o Smart), kami P5 lang, dapat na libre ang Wi-Fi.” Ayon sa pangulo ng LCS Group, kaya nilang pababain nang husto ang presyo …
Read More »Blog Layout
Blatche, sabik nang bumalik sa Team Filipinas
NANGANGATI na uling makapagsuot ng uniporme ng Team Pilipinas si naturalized import Andray Blatche. Ito ay ayon sa kanyang pahayag kahapon ilang linggo bago ang nalalapit na fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers. “War ready, waiting for that phone call for these two coming games,” ani Blatche sa kanyang post sa opisyal na instagram account na @draylive. …
Read More »PBA Govs’ Cup QF, sisiklab na ngayon
APAT na koponan ang unang sasalang ngayon sa pagsisimula ng umaatikabong 2018 PBA Governors’ Cup quarterfinals sa Smart Araneta Coliseum. Uumpisahan ng numero unong Barangay Ginebra ang hangad nitong ikatlong sunod na kampeonato kontra sa ikawalong NLEX sa 7:00 ng gabi habang sasagupa naman ang ikaapat na Magnolia kontra sa ikalimang Blackwater sa unang laro sa 4:30 ng hapon. Dahil …
Read More »Pagbuhay sa patay na Pasig River, itutuloy ni Goitia sa ibang ilog
NANGAKO si Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia na ipagpapatuloy niya ang pagbuhay sa 27 kilometrong Ilog Pasig matapos nitong talunin ang Yangtze River ng China sa kauna-unahang 2018 Asia Riverprize. Ipinarating ni Goitia ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga opisyal ng International River Foundation, Australian River Partnership, committee organizers, mga hurado at …
Read More »12 tripulante nasagip sa lumubog na barko (Patungong Boracay)
NASAGIP ang lahat ng 12 tripulante mula sa lumubog na barko na patungong Boracay, sa Caticlan coast sa Malay, Aklan nitong Linggo ng umaga, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard. Sinabi ni Capt. Armand Balilo, Coast Guard spokesperson, ang LCT Bato Twin vessel ay nakitang nakalubog na ang kalahating bahagi dakong 10:25 am. Ayon kay Balilo, ang barko na …
Read More »Aplikante sa Kuwait Airways dumagsa (P56,000 sahod kada buwan)
BAGAMA’T Linggo, dinagsa ng mga aplikante ang unang araw ng pasahan ng aplikasyon para sa higit 400 trabahong iniaalok sa mga Filipino ng Kuwait Airways, ang flag carrier ng bansang Kuwait. Nasa 100 aplikante ang nagtungo nitong Linggo sa Yaazeemir International Manpower Agency sa Ermita, Maynila, tanggapan na maaaring mag-aplay para sa Kuwait Airways. Ayon sa mga aplikante, hangad nilang …
Read More »‘Bakasyonista’ bumuhos sa Metro (Pagkaraan ng Undas)
DUMAGSA ang umuwing mga pasahero sa Metro Manila nitong Linggo pagkaraan ng mahabang bakasyon sa mga lalawigan dahil sa paggunita sa Undas. Sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao, Quezon City, at sa bus terminal sa Pasay City, maraming mga pasahero ang bumaba mula sa mga bus nitong Linggo. Karamihan sa kanila ay sumakay ng taxi habang ang ilan ay …
Read More »18-anyos dalagita dinonselya ng kapitbahay (Naghanap ng signal)
HINDI inakala ng isang 18-anyos dalaga na ang hangarin niyang makasagap ng signal para sa kanyang cellphone ang magiging dahilan ng pagkalugso ng kanyang puri sa Sto. Cristo, Angat, Bulacan, kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat kay S/Supt. Chito Bersaluna, provincial director ng Bulacan PPO, nangyari ang insidente nang lumabas ng bahay ang 18-anyos biktima dakong 10:00 pm para magpunta …
Read More »Regional Engineering Brigades isulong — solon
IMINUNGKAHI ng isang kongresista sa Isabela na magkaroon ng engineering brigades ng Armed Forces of the Philippines sa bawat rehiyon ng bansa upang agarang makaresponde ang gobyerno sa mga sakuna. Ayon kay Isabela Rep. Rodito Albano ang mga engineer ng Armed Forces ang dapat mangunang magresponde sa mga sakuna kagaya nitong nakaraang pananalanta ng bagyong Rosita na nagdulot ng malaking …
Read More »Mas ligtas, maayos na evacuation centers (Para sa calamity victims) — Bong Go
MAS ligtas at maayos na evacuation centers para sa mga biktima ng kalamidad. Ito ang isa sa nakapaloob sa legislative agenda ni dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go kapag pinalad sa kanyang pagsabak sa 2019 senatorial polls. “Panahon na po para magpatayo ng safe na evacuation centers na may kompletong pasilidad — may CR, may higaan, para …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com