Friday , July 26 2024

Deparment of Preparedness itatag na — Koko Pimentel

MULING nanawagan si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na dinggin ang kahilingan niyang likhain ang hiwalay na Department of Preparedness and Resiliency na tutugon sa disaster management concerns sanhi ng pagyanig ng magnitude 6.1 earthquake na tumama sa ilang bahagi ng Luzon nitong Lunes na kaagad nasundan ng magnitude 6.5 lindol sa Eastern Visayas kahapon.

Binigyang diin ng mambabatas ang kahala­gahan ng paghahanda sa pinakamataas na executive level, full-time at dedikadong burukrasya para sa disaster management.

“A department-level agency needs to examine and draw up plans on all aspects of disaster management, from rescue and relief, inspection of the structural integrity of buildings before and after calamities such as earthquakes and typhoons, as well as year-round training and education of specialists, rescuers and the general population. We always have to be prepared. The Philippines lies in the so-called ‘ring of fire’ of active volcanic and seismic activity, and we’re in the middle of a typhoon-prone region,” ayon sa reeleksiyonistang senador mula sa Mindanao.

Unang nanawagan si Pimentel para sa paglikha ng bagong kagawaran matapos ang 7.5 magnitude na lindol na tumama sa Indonesia noong Setyembre 2018 na nagresulta sa pagkamatay ng 800 katao.

Pinuri ng senador ang ipinamalas na disiplina ng mamamayan at mga responder nito sa panahon at pagkatapos ng lindol, partikular na ang maayos na pagbakwet sa matataong lugar at mabilis na pag-ayuda sa mga nasaktan sanhi ng paglindol.

Samantala, habang ikinokonsidera ang hiwalay na Department of Preparedness and Resiliency, nanawagan si Pimentel sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na makipag-ugnayang mabuti sa Department of National Defense’s Office of Civil Defense, DILG at DepEd upang magsagawa nang mas maraming drill sa buong kapuluan bukod pa ang mga quarterly exercise para lubos na makapaghanda ang publiko.

“Technology and social media played crucial roles in information dissemination during the earthquake. Posts and videos were uploaded in real time in Facebook, Twitter and other platforms. Text messages were quickly sent by the NDRRMC advising people of the situation and reminding them to be alert. These factors should all be considered in a more refined, more responsive emergency plan,” ayon sa senador na nag-topnotcher sa Bar examination noong 1990.

“As I have stressed numerous times before, we cannot prevent natural calamities from happening, but we can prepare well, especially considering the paramount need to prevent loss of life in any emergency situation,” dagdag ni Pimentel.

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *