Tuesday , December 16 2025

Blog Layout

Undesirable aliens walang puwang sa PH

MAY paglalagyan ang mga dayuhan sa bansa kapag hindi sumunod sa mga itinatakdang batas sa Filipinas. Pahayag ito ng Pala­syo matapos ang viral scene sa social media na pagsasaboy ng taho ng Chinese student na si Jiale Zhang sa isang pulis sa MRT Boni station sa Mandaluyong City nitong pagtatapos ng linggo. Umapela ang Palasyo sa publiko na huwag nang …

Read More »

Sa opening salvo ng kampanya… Seguridad kasado na — NCRPO

pnp police

KASADO na ang pagpa­patupad ng mahigpit na seguridad sa pagsisimula ng kampanya ng mga kandidato na tatakbo sa halalan ngayong Martes 12 Pebrero 2019 , ito ang inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kaha­pon. Sinabi ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, wala silang naitalang election hotspot sa Metro Manila pero hin­di dapat maging kam­pan­te ang pulisya sa pagbabantay …

Read More »

Endoso ni Digong kay Jinggoy aprub sa Palasyo

IPINAGTANGGOL ng Malacañang ang endoso ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te kay dating Senador Jinggoy Estrada sa 2019 polls kahit akusado sa kasong pandarambong. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nananatiling ino­sente pa rin ang dating Senador sa kasong plunder dahil hindi pa naman siya hinahatulan ng Sandiganbayan, batay sa Konstitusyon. “We have to respect the Constitution. We have to bow to …

Read More »

P300-M ayudang intel fund ng US welcome sa PH

BUKAS ang Palasyo sa P300-M intelligence fund na ayuda ng Amerika sa Filipinas. Ayon kay Presidential Spokesman  Salvador Panelo, patunay ito na ma­la­kas pa rin ang mili­tary alliance ng dalawang bansa. Sinabi ni Panelo na pandaigdigang suliranin ang terorismo na walang kinikilalang teritoryo, politika, relihiyon at pani­niwala kaya kailangan ng tulong at kooperasyon ng bawat UN member country para labanan ito. Tiniyak …

Read More »

Marilao ex-vice mayor na inasunto ni Atong inilipat sa Parañaque

INILIPAT na kahapon sa Parañaque City jail ang dating vice mayor ng Marilao, Bulacan maka­ra­an makakuha ng com­mitment order ang Bula­can Provincial Police Office sa Parañaque Regional Trial Court (RTC). Dakong 11:00 am, nang mailipat sa Paraña­que City Jail (PCJ) ang dating bise alkalde na si Andre Santos at naging emosyonal ang pagha­hatid sa kanya ng pamil­ya. Nangangamba ang pamilya …

Read More »

Bidders na may cash advance nagkakagulo sa P75-B ‘insertions’ — Andaya

MATAPOS ipamahagi ng Kongreso ang P75-bilyones  ‘insertions’ ng Department of Budget and Management sa mga mambabatas, nag­ka­kagulo ang mga con­trac­tor na nanalo sa bid­ding. Ayon kay Camarines Sur Rep. Rolando Anda­ya Jr., pinuno ng House Committee on Appro­pria­tions,  nagbigay na ng ‘commission’ ‘yung iba rito. Ani Andaya, nagta­gumpay ang Senado at Kamara sa re-alignment ng ‘insertions’ ni Budget Secretary Benjamin …

Read More »

Totoy patay sa nabuwal na kandila (Walang koryente sa Kyusi…)

PATAY ang isang 4-anyos totoy nang hindi makalabas sa nasusunog nilang tahanan sa North Fairview, Quezon City, kamakalawa ng gabi. Ang biktima ay kini­lalang si Elixer Jumalon, nakatira sa No. 24 Boule­vard St., Brgy. North Fairview, Quezon City. Sa imbestigasyon ng Quezon City Bureau of Fire Protection,  ang sunog ay sumiklab dakong 9:39 pm na nagtagal nang mahigit isang oras …

Read More »

Iba talaga ang kamandag ni Dayan

DINAIG pa raw ni Ronnie Dayan si Senator Leila de Lima, kung sitwasyon sa piitan ang pag-uusapan. Si Ronnie Dayan ang ex-lover ng ex-Justice secretary ay kasalukuyan umanong nasa ‘espesyal na kubol’ sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) na hindi basta-basta mapapasok hangga’t walang go signal. Pero kung ‘favorite’ niya ang dalaw, timbrado na ‘yan, pasok agad. Higit sa …

Read More »

Unconditional cash transfer at senior citizen social pension huwag gamitin sa eleksiyon

DATI kapag eleksiyon, maraming happy at nagsasaya kasi parang piesta. Pero ngayon ang mga taga-Malabon dumaraing at matindi ang hinaing lalo na ang mga tumatanggap ng unconditional cash transfer at senior citizen social pension. Imbes kasing masaya ang eleksiyon sa kanila, naluungkot at naiinis sila. Masyado raw silang nagagamit sa politika lalo na ang kanilang mga benepisyo? Dati raw kasi, …

Read More »

Greg Hawkins, gustong sumabak sa horror o comedy project

AMINADO si Greg Hawkins na nami-miss na niya nang husto ang mga tao sa It’s Showtime, lalo ang staff nito dahil sa sobrang kabaitan nila sa kanya. Kabilang din siyempre si Vice Ganda sa nami-miss niya sa naturang noontime show. “Of course, of course, nami-miss ko si Vice, that’s given. Whenever you have an opportunity to work with big celebrities, …

Read More »