Wednesday , July 6 2022

Macadaeg buking ni Digong… Ex-UCPB president sabit sa anomalya

NABALING ang aten­siyon ng ilang kritiko at mambabatas kaugnay sa inihaing reklamo ni human rights lawyer Rico Domingo laban sa kabibitiw na presidente ng United Coconut Planters Bank (UCPB) na si Higinio Macadaeg Jr.

Nagsampa kama­kailan ng kasong graft and misconduct ang RC Brickwoods Corp., (RC) sa Office of the Om­buds­man laban kay Macadaeg at ilang opi­syal ng UCPB na pag-aari ng gobyerno dahil sa maanomalyang pagbili sa isang ‘disputed building’ na AM Flores building sa Makati City.

Napapabalita rin sa ilang malapit sa Pangulo na ang pagre-resign ni Macadaeg ay forced resig­nation dahil sa pagkaka­buking ng Pangulo sa maaanomalyang tran­saksiyon sa ilalim ng pamamahala ni Maca­daeg.

Si Macadaeg na nagsumite kamakailan ng resignation sa Pangu­lo sa pamamagitan ng sulat kamay ay napa­balita na pumabor sa isang kaibi­gan sa pagbe­benta ng foreclosed properties na ipinag­babawal ng sali­gang batas.

Dahil dito, nais ni Domingo gayondin ng ilang mambabatas na mabusisi at maimbes­tigahan si Macadaeg sa lalong madaling pana­hon upang mapatawan ng parusa kung mapa­patunayang lumabag at nagkasala.

About hataw tabloid

Check Also

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …

dead gun

Convenience store nilooban
KAWATAN BULAGTA SA ENKUWENTRO, KASABWAT NAKAPUSLIT

NAPATAY ng mg aawtoridad matapos manlaban ang isang armadong lalaking pinaniniwalaang nanloob sa isang convenience …

marijuana

Nagkakalat ng marijuana sa Bulacan
TULAK AT RUNNER NA MENOR DE EDAD, TIKLO SA DRUG STING 

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang personalidad na pinaniniwalaang tulak ng marijuana kabilang ang isang …

dead gun police

Sa Jaen, Nueva Ecija
CARETAKER NIRATRAT NG RIDING-IN-TANDEM 

PATAY ang isang caretaker nang barilin ng dalawang armadong lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa bayan …

Leave a Reply