Tuesday , December 16 2025

Blog Layout

Michael Bublé, ibinando ang pagmamahal sa asawa kahit may mga bintang na minamaltrato n’ya ito

BAGO pala napabalita ang pamimigay ni Michael Bublé ng bahay sa Pinoy caregiver ng yumaong lolo n’ya sa ina, ang  una munang naging mainit na balita tungkol sa global singing idol ay ang pagbabanta sa buhay n’ya ng mga Argentinian dahil sa umano’y pagmamalupit ni Michael sa misis n’ya na isang Argentinian. Hindi nakarating sa entertainment websites na nakabase sa Pilipinas ang …

Read More »

KZ, tinalo ang mga momshie na sina Jolens, Melai, at Karla sa pakikipaghuntahan sa netizens online

WORK at home ang lahat ng Cornerstone employees ni Erickson Raymundo at lahat sila ay kailangang maging techie dahil lahat ay online shows na. Kailangang may gawin ang kanilang artists para magbigay kasiyahan, makapag-donate at makapag-generate rin ng income dahil nga wala naman silang shows ngayon dahil hindi pa nakababalik ang entertainment lalo’t sarado pa ang ABS-CBN na may regular shows ang Cornerstone artists. Ang mga …

Read More »

Dr. Vicki, Gods gift kay Hayden

ANG sweet ng mensahe ni Dr. Vicki Belo-Kho sa asawang si Dr. Hayden Kho sa kaarawan niya kahapon, Mayo 20, at ito rin pala ang petsa na nagkakilala sila kaya masyadong memorable para sa mag-asawa. Ipinost ni Vicki ang black and white picture nila ni Hayden habang ikinakasal sila sa Paris noong Setyembre, 2017. Ang caption ng nasabing larawan, “Happy birthday to my Belo-ved @dochayden. We …

Read More »

PhilHealth kinuwestiyon sa ‘overpriced’ na COVID-19 test package

MARIING kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) kung bakit pinapatawan ang miyembro ng magastos na pagsusuri para sa coronavirus disease (COVID-19) habang ang ibang ahensiya o organisasyon, gaya ng Philippine Red Cross ay kayang magbigay ng kagayang serbisyo at pagsusuri sa mas mababang halaga.   Hindi umano maintindihan ni Drilon kung bakit inaprobahan …

Read More »

160 PSG personnel positive sa COVID-19 rapid test — Durante

Covid-19 positive

ISANDAAN at animnapung kagawad ng Presidential Security Group (PSG) ang nagpositibo sa COVID-19 matapos sumalang sa rapid test pero isa lamang sa kanila ang nagpositibo sa polymerase chain reaction o PCR test.   Sinabi ni PSG commander Col. Jesus Durante, matagal nang nakarekober sa COVID-19 ang nagpositibo sa polymerase chain reaction o PCR test.   Hindi aniya detailed bilang close-in …

Read More »

MERALCO panagutin bunsod ng “shocking electric bills”

electricity meralco

NAGBABALA si House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera sa Manila Electric Company (Meralco) na maaari silang sampahan ng kaso sa ilalim ng Republic Act 11469, o ang Bayanihan to Heal as One Act, kung hindi nila maipaliwanag ang “shocking electric bills” sa gitna ng pandemyang COVID-19.   “Meralco should be made to explain why it is …

Read More »

Sagot ng Meralco sa ERC hintayin — Palasyo (Sa patong-patong na singil sa consumers)

DAGDAG na pasensiya ang hiningi ng Malacañang sa publiko para hintayin ang resulta ng aksiyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa dagsang reklamo ng mga konsumer sa patong-patong at napakataas na singil ng Manila Electric Company (Meralco) sa konsumo sa koryente habang umiiral ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ).   Ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque nag panawagan ng paghihintay …

Read More »

Disimpormasyon ng estado garapal — Ex-solon (Sa mass testing)

GARAPAL na disimpormasyon ang inihayag kahapon ng Palasyo na walang bansa sa buong mundo na nakapagsagawa ng mass testing. “It is shameless state disinformation to state that no mass testing was ever conducted around the world,” ayon kay dating Kabataan party-list representative at Infrawatch convenor Terry Ridon kasunod  ng pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon na walang bansa ang …

Read More »

Apela ng Globe sa LGUs: Pagtatayo ng cell sites suportahan

UMAPELA ng suporta ang Globe sa local government units (LGUs) kaugnay sa pagtatayo ng cell sites sa harap na rin ng pagtaas ng demand para sa internet services dahil sa ipinatutupad na ‘new normal’ dulot ng pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19). Bago ang COVID-19, ang mga lokal na pamahalaan ang nagiging sanhi ng mabagal na rollout dulot ng masalimuot na …

Read More »

LTFRB chair Martin Delgra II utak-stagnant na ba ECQ? (Pasahero ng public vehicles gusto i-logbook)

NAPAKA-GENIUS palang magmungkahi nitong si Land Transportation Franchise and Regulatory Board chairman Martin Delgra III. Mantakin ninyong sabihin na kapag pinayagan nang lumabas ang public utility vehicles, kailangan raw kunin ng mga driver at konduktor ang detalye ng kanilang mga pasahero gaya ng pangalan, address at contact number, para raw sa contact tracing, sa ilalim ng general community quarantine (GCQ). …

Read More »