Sunday , February 25 2024

Arisse, isa sa bumuo ng pagkatao ni Kathryn

SA panahon ng Covid-19 pandemic ay inamin ni Kathryn Bernardo na isa sa realizations niya ay walang halaga ang pera at ang pagiging sikat bilang artista dahil sa pagkakataong ito ay pantay-pantay ang lahat, walang mahirap at walang mayaman.

 

Base sa latest vlog ni Kathryn, sinabi niyang, “At the end of the day, walang magagawa ‘yung pera mo or fame mo. Masaya akong natutulog kasi alam ko wala akong nasasaktan na ibang tao. Also, I have real friends na nandiyan. Feeling ko iyon ang totoong meaning ng life, making memories with the people you love. Ngayon talaga, I’m really blessed, kasi mayroong mga tao na bumuo ng pagkatao ko, and isa si Arisse (de Santos) doon.”

 

Si Arisse ang kaibigan niyang nasa Melbourne, Australia na isa na ring influencer/blogger/vlogger na anim na taon na silang magkaibigan simula pa 2014 nang magkita sila sa shooting ng pelikulang Sisterakas.

 

Ayon kay Kathryn, sobrang nami-miss niya si Arisse dahil wala na siya sa bansa at kahit gustuhin niyang makatsikahan lagi ang best friend niya for life ay hindi naman maaari dahil hindi magtugma ang kanilang mga oras.

 

Pero kamakailan ay sinubukan ni Kathryn na tsikahin ang kaibigan thru virtual at nagtagumpay naman siya base na rin sa vlog niyang pinamagatang Wine Night with My Best Friend: Unearthing Old Photos habang umiinom sila ng wine tulad noong magkasama pa sila rito sa Pilipinas.

 

Anyway, sinimulan ni Kath na magpakita ng mga lumang larawan nila ni Arisse na roon sila unang nagkasundo, pareho silang mahilig sa doggies at saka nila nalaman na halos same neighborhood sila at pareho kung paano sila pinalaki ng kanilang magulang.

 

Marami na silang mga lugar na pinuntahang magkasama at bilang mga tin-edyer ay hindi naman mawawala na sumubok sila ng mga bagay na ikasasaya nila na walang TV camerang nakatutok sa kanya bilang artista.

 

Nauna na niyang ikinuwento na ng minsang malasing sila ni Arisse noong nasa El Nido, Palawan sila ay tumalon sila sa swimming pool na naka-pajama at kapag nasa bahay naman sila nalasing ay halos yakapin ng kaibigan niya ang inidoro sa sobrang kalasingan bagay na tinatawanan na lang nila ngayon.

 

Bukod sa Palawan, narating na rin nilang magkasama ang Japan, Hongkong, at Bangkok na may trabaho si Kathryn at sumama si Arisse para maka-bonding ang kaibigan sa ibang bansa.

“For me, the secret talaga is balance. You need to have fun once in a while, but also kailangan mo rin magtrabaho in order for you to deserve that extra time,” kuwento ng aktres.

 

At kahit na nagwa-walwal sila ay, “May mga bantay kami. Hindi naman ini-encourage lahat na magpakawasak (lasing) na ganoon. If you’re with the right people at alam mo namang the place is secure, may maghahatid sa ‘yo, that’s the only time na magpapaka ganoon kami, kasi alam naman namin na we’re safe.”

 

In fairness huh, marunong magdala ang kasintahan ni Daniel Padilla.

 

Anyway, sa loob ng 6 years nilang magkaibigan ay paano nila ito napapanatili kahit nasa ibang bansa na ang isa?

 

“In order for a friendship to work, kailangan siya ng effort na lahat, compromise. Parati sila nag-a-adjust sa akin, so mini-make sure ko na kapag ‘yung mga minsan na times na off ko, or wala akong work, dapat ma-feel nila na nandoon ka talaga, hindi ka masyadong mag-phone, and then kumustahin ang isa’t isa,” saad ni Kathryn.

 

Pero aminado siyang nahihirapan siya noong mawala si Arisse sa tabi niya, “ang hirap kaya ng LDR kasi dati si Arisse parati kaming magkasama sa lahat. As in nails, events, or ‘pag dito sa bahay kapag magpapa-hair kami as in lahat. So ang weird na wala siya ngayon sa totoo lang, tapos si Tinna rin nasa San Francisco (USA) na, iniwan nila ako.”

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Anthony Davao

Pamangkin ni Ricky na si Anthony Davao may K magpa-sexy

RATED Rni Rommel Gonzales WALA pa sa showbiz ay nakakasama na namin ang Vivamax actor na si Anthony …

Beauty Gonzales Kelvin Miranda

Beauty Gonzales wala ng balak mag-anak pa—Gusto ko rin magpa-bebe

WALA na raw balak mabuntis at magka-anak pang muli ni Beauty Gonzales. Masaya na ito sa nag-iisa …

McCoy de Leon Elisse Joson Felize

McCoy sobrang nasorpresa sa birthday party na inihanda ni Elisse 

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT ang guwapo at mahusay na aktor na si McCoy de Leon sa surprised …

Rhea Tan Beautéderm

Rhea Tan ibinahagi tips sa matagumpay na negosyo

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginawang Chinese New Year at 1st Anniversary ng kanyang seven …

Martin del Rosario Liezel Lopez

Martin del Rosario non-showbiz ang mas feel maging GF

RATED Rni Rommel Gonzales LOVELESS pa rin si Martin del Rosario. “Single pa rin, pero nagdi-date …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *