Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Imbestigasyon sa flood control ‘di matatapos sa pagbibitiw ni Andaya sa Rules Committee

ANG imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects kina­sasangkutan ni Budget Secretary Benjamin Diok­no at kanyang mga balae na nagmamay-ari ng Aremar Construction sa Sorsogon ay hindi mata­tapos sa pagbibitiw ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya bilang chairman ng House Committee on Rules.

Inaprobahan ng mga kongresista ang mosyon ni Andaya na ilipat ang imbestigasyon sa House Committee on Appro­priations na kanyang lilipatan.

Pilit na itinatanggi ni Diokno ang mga paratang na pinaboran niya ang Aremar Construction na pagmamay-ari ng nga Hamor ng Casiguran Sorsogon.

Ang anak ni Diokno na si Charlotte ay asawa ni Romeo Sicat Jr., anak ni Ester Hamor sa unang asawa.

Nakinabang nang malaki, ayon kay Diokno ang Aremar Construction sa mga joint venture projects nito sa CT Leoncio Trading and Construction sa mga flood control projects sa Casiguran, Sorsogon.

Inakusahan ni Anda­ya si Diokno na inamyen­dahan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) sa Government Procurement Reform or Republic Act (RA) No. 9184 para legal na maka­lahok ang kanyang ahensiya sa bidding ng mmalalaking proyekto sa bansa.

Nakasaad sa RA 9184, ang bidding ay gagawin ng ahensiya kung saan nakalagay ang pondo para sa proyekto. May P81,107,036, uma­no’y, pondo ang napunta sa Aremar kaugnay sa mga proyektong napunta sa dummy contractors.

“Hindi lang sa NEP (National Expenditure Program) may insertions ang DBM. Mayroon din inserted provisions sa IRR para baluktutin ang mga probisyon ng RA No. 9184,” ani Andaya.

“Maliwanag po sa RA No. 9184. ‘Yung procure­ment ng isang departa­mento, batay sa Annual Procurement Plan niya o APP. Fixed ito at hindi pabago-bago dahil naka­batay sa plano. Kung nasaan ang pondo, siya rin ang magsasagawa ng procurement o bidding activities. Hindi raw puwedeng mag-procure o magpa-bid kung labas sa Annual Procurement Plan ng departamento,” dag­dag niya.

Paliwanag ni Anda­ya, inamyendahan ni Diokno bilang chairman ng Government Procure­ment and Policy Board (GPPB) ang Rule II Section 7.3 ng RA No. 9184 para magkaroon ng basehan ang mga ahensiya na ipa-bid sa iba ang mga pro­yekto nila.

Si Andaya ang awtor ng R.A. 9184.

“Sa insertion na ito, deretso nang sinasabi sa mga departamento na puwede nilang ipasa ang bidding ng kanilang mga proyekto sa ibang pro­cure­ment entity kung wala silang proficiency o capability na magsagawa ng bidding. Dahil dito puwede nang ipasa ng DOTr ang bidding sa PS-DBM kung sa tingin nila ay mas proficient o capable ang nasabing opisina kaysa kanila,” ani Andaya.

Nauna nang sinabi ni Andaya na nagpa-bid ang DBM ng consultancy para sa mga proyekto ng gobyerno sa halagang higit P37-bilyones.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …