Friday , November 22 2024
Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla The Hows Of Us
Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla The Hows Of Us

The Hows of Us, record holder, inilampaso ang mga pelikulang Ingles

NGAYON lang nangyari na inilampasong muli sa kita ng isang pelikulang Filipino ang mga palabas na pelikulang Ingles. Maliwanag din sa mga lumalabas na reports, at ka­tu­nayan na sila ay palabas sa mahigit na 400 sinehan, na ang pelikula ng KathNiel ang siyang pinakamalaking pelikula sa taong ito, taob pati ang mga pelikulang dayuhan. Sa “actual gross”, hindi roon sa mga “press releases” lamang, iyang pelikulang iyan ngayon ang record holder ng industriya mula sa simula.

Ibig sabihin, kung ang pagbabatayan ay ang dami ng taong nanood, na base sa kinita ng pelikula. Mahirap mo kasing ikompara iyong kita lamang dahil isipin naman ninyo, mahigit na P200 na ang sine ngayon kung ikukompara ninyo sa P26 lang na bayad sa sinehan noon. Kaya kinukuwenta base sa bilang ng pumasok sa sinehan, na magagawa naman dahil alam kung magkano ang ibinayad ng bawat isa. Aba eh masasabing tinalbugan na nga ng KathNiel maski ang noon ay sinasabing hit na Guy and Pip, at maging ang pelikula nina Sharon Cuneta at Robin Padilla na siyang record holder bago itong The Hows of Us.

Pinirata pa iyang The Hows of Us. Nakakita na kami ng kopya sa Quiapo. Mayroon na ring naglo-load ng pelikula sa USB. Pero sa kabila ng pamimirata, pumapasok pa rin ang mga tao sa sinehan. Basta kasi gusto nila ang pelikula, gusto nilang mapanood iyon nang mahusay. Hindi sila makukuntento lang sa malabong pirated copy. Nakaaapekto lang ang piracy kung hindi naman talaga gusto ng tao ang pelikula at ok na kahit sa pirated mapanood lang. Kahit nga sa Facebook  may pirated copies ng pelikula eh.

Pero ang nangyari kasi, nang mapanood nila sa Facebook, aba eh lalo nilang naisip na kailangan nilang panoorin ang pelikula ng KathNiel sa sinehan.

Nasaan na ngayon ang sinasabi nilang krisis sa industriya? Iyong krisis pala kung ganoon ay gawa lang din ng mga film makers na hindi marunong gumawa ng kumikitang pelikula.

HATAWAN
ni Ed de Leon


John Lloyd, ‘di na naglalasing
John Lloyd, ‘di na naglalasing

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto

Negros Occidental katuwang na ng MTRCB tungo sa Responsableng Panonood

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY na idinaos ng Movie and Television Review and Classification …

Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na …

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *