Thursday , March 30 2023
nbp bilibid

Bilibid  ililipat sa Tanay, JVA housing project bubuwagin – DENR

INIIMBESTIGAHAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang JVA Housing Project sa lupang inilaan ng lokal na pamahalaan upang paglipatan ng New Bilibid Prison at Regional Office ng DENR sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal.

Ayon sa kagawaran, ang nabanggit na lupa ay bahagi ng Lot 10 na nakapangalan sa Republika ng Pilipinas at may lawak na 300 ektarya na ang 270 ay nakalaan sa NBP at ang 30 ektarya ay tatayuan ng Regional Office ng DENR – Calabarzon.

Nabatid, nakapaloob sa isang joint venture agreement (JVA) sa pagitan ng DENR at Blue Star Development Corporation na ngayon ay kilala sa pangalang Garden Cottages, Masungi Georeserve Foundation.

Ayon kay Ramil Limpiada, Provincial Environment and Natural Resources (PENRO), mayroong binuong investigating body ang kagawaran.

Direkta umano itong pinamunuan ni Usec. Ernesto Adobo para rebisahin ang JVA kabilang ang Assistant Secretary para sa legal biodiversity management at iba pang miyembro ng komite.

Aniya, ang pagkakadeklara sa lupain na paglilipatan ng New Bilibid Prison (NBP) at DENR-Regional Office ay sa bisa ng Proclamation 1158 ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 8 Setyembte 2006.

Dagdag ni Limpiada, ito ay nakapaloob sa JVA noong panahon ni Sec. Heherson Alvarez.

Malinaw rin umano na ang orihinal na laman ng JVA ay ang kabuuang Proclamation 776 na inisyu noong 2 April  1996 na naglalaan ng pabahay sa mga empleyado ng DENR, DILG, DND, DECS at DoTC.

Sa parehong petsa, inamyendahan ng Proclamation 564 ang Proclamation 776 na isinama bilang benepisaryo ng pabahay ang mga empleyado ng Office of the President (OP) at Presidential Management Staff (PMS).

Sa huli, lumilitaw na ang kabuuan ng JVA na 130 ektarya at Lot 10 na 300 ektarya ay kasama ang buong PD 324 at nakapaloob sa MOA noon ni Gina Lopez at ng Masungi Georeserve Foundation, dating Blue Star at Garden Cottages na may kabuuan o lawak na 2,700 ektarya at pilit pa ring sinasakop ang ilang bahagi ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT). (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …