Sunday , July 13 2025
dead gun police

Sa Angono, Rizal
RIDING-IN-TANDEM TUMAKAS SA CHECKPOINT BUMULAGTA SA HABULAN

INAALAM ng mga awtoridad ang pangalan ng dalawang suspek na napatay sa enkuwentro nang tangkaing tumakas sa isinasagawang Oplan Sita sa bayan ng Angono, lalawigan ng Rizal, nitong Miyerkoles ng madaling araw, 6 Abril.

Ayon kay Angono PNP Chief of Police, P/Lt. Col. Ferdinand Ancheta, dakong 1:00 am kahapon nang takasan ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo ang nakalatag na checkpoint sa Brgy. Mahabang Parang, sa nabanggit na bayan.

Nagkaroon ng habulan ang mga awtoridad at mga suspek hanggang makarating sa bahagi ng Quarry Road, sa bayan ng Binangonan.

Dito sumemplang ang sinasakyang motorsiklo ng mga suspek at agad pinaputukan ang mga pulis ngunit sa bulletproof vest tinamaan.

Binaril din ng mga suspek ang mobile car na tinamaan sa kanang bahagi.

Dito nagkaroon palitan ng mga putok ng baril sa pagitan ng mga suspek at ng mga alagad ng batas naging sanhi ng kamatayan ng dalawa nang tamaan sila ng bala.

Nauna rito, nagkaroon ng nakawan ng motorsiklo sa isang subdivision kaya naglatag ng checkpoint na Oplan Sita ngunit tinangkang tumakas ng mga suspek nang parahin ng mga nagmamandong pulis dahil walang plaka ang gamit nilang motorsiklo.

Tinutukoy pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek at kung anong grupo ang kanilang kinaaniban habang hawak ng pulisya ang hindi binanggit na kalibre ng baril na nakuha sa dalawa. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Dave Gomez Sharon Garin

Gomez, bagong Press Secretary Garin, itinalagang Energy chief  

IPINAHAYAG ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

dead gun

Tagayan nirapido ng tandem, napadaan na katagay patay

ISANG 25-anyos na lalaki ang namatay habang sugatan ang dalawang iba pa nang pagbabarilin ng …

Marikina

Marikina LGU suportado shoe industry ng bansa

MULA noon hanggang ngayon, suportado ng Marikina City local government unit (LGU) ang kabuhayan ng …

PAGASA Bagyo LPA

Sa loob at labas ng PAR  
3 LPS INAANTABAYANAN

MASUSING binabantayan ng ­Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tatlong low pressure …

Arrest Posas Handcuff

Illegal alien may patong-patong na kaso
Utol ng economic adviser ni Duterte inaresto

DINAKIP ng mga tauhan ng Pasay City Police ang Chinese national na si Tony Yang, …