Wednesday , May 29 2024
Kisses Delavin, Maureen Wroblewitz

Kisses emosyonal, Maureen ok lang matalo sa MUPH pageant

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

AYON sa isang entertainment website, nagging emotional daw si Kisses Delavin sa resulta ng MUP na hanggang sa Top 10 lang siya umabot. Walang detalye kung ano ang ibig sabihin ng report sa “emotional.” Nagtititili ba siya sa pag-iyak? Nagmura sa inis? Nawalan talaga ng poise? 

Ang maayos ang ulat ay tungkol sa kung paano tinanggap ni Maureen Wroblewitz ang resulta ng pageant. 

Kahanga-hanga ang masayang pagtanggap ni Maureen sa resulta ng Miss Universe Philippines na naging first runner-up siya. 

Lahad ni Maureen sa Instagram n’ya: ”I may have not won the crown but I have won a sisterhood that I will cherish forever.

“What a crazy experience that was but I am grateful for how it‘s turned out and I‘m excited for what‘s to come.”

Maureen also expressed gratitude to her Aces and Wroblewitz Queens family, whom she said have done their best in helping her bring out the best that she could achieve in just three months of training.

“Thank you for believing in me!” bulalas ni Maureen.

Lastly, pinasalamatan din niya ang Miss Universe Philippines Organization for her “incredible” experience.

“It‘s not easy to achieve all that you did during a pandemic. I can‘t wait to work with you.”

Ihinandog din ni Maureen ang tropeo niya sa probinsyang kinatawan n’ya sa pageant. 

“Pangasinan, this was for you!”

Hiwalay na pahayag naman ng boyfriend n’yang si JK Labajo”Ikaw pa rin ang Miss Universe ng  buhay ko!”

Samantala, magpapahinga na sa beauty pageants ang beauty queen mula sa Laguna na si Leren Mae Bautista, 28.

Masuwerteng nakapasok si Leren sa Top 10 ng Miss Universe Philippines 2021. Beterana na siya sa pagsali sa beauty pageants bilang kinatawan ng Laguna.

About Danny Vibas

Check Also

Angel Guardian Running Man PH

Angel ‘di na habol manalo, mas gustong mag-enjoy bilang runner

RATED Rni Rommel Gonzales ULTIMATE Runner sa Season 1 ng Running Man Philippines si Angel Guardian kaya natanong ito …

Aica Veloso Kulong

Aica nais kumawala karanasan sa isang kapitbahay

RATED Rni Rommel Gonzales NAGBAHAGI ng kanyang mapait na karanasan ang Vivamax female star na si Aica Veloso nang …

Paolo Ballesteros Kira

Paolo hinangaan pag-e-escort sa prom ng anak

MATABILni John Fontanilla SINALUDUHAN at pinuri ng netizens ang Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros nang mag-escort ito …

Kathryn Bernardo FAMAS

Kathryn nasungkit 1st FAMAS Best Actress award

MA at PAni Rommel Placente SI Kathryn Bernardo naman ang wagi bilang Best Actress para sa mahusay …

LA Santos FAMAS

LA Santos Best Supporting Actor ng 72nd FAMAS award

MA at PAni Rommel Placente SI LA Santos ang is tinanghal na Best Supporting Actor sa katatapos …