Saturday , July 27 2024
Tracy Maureen Perez

Miss World PH 2021 Tracy Perez 2 beses bumagsak

MATABIL
ni John Fontanilla

MUKHANG taon ngayon ng mga Cebuana sa National Beauty Pageant dahil dalawang kapwa taga-Cebu ang nagwagi sa katatapos na Miss Universe Philippines at Miss World Philippines.

Nauna nang kinoronahan si Beatrice Luigi Gomez bilang Miss Universe Philippines 2021 at last October 3, kinoronahan naman si Tracy Maureen Perez bilang Miss World Philippines 2021. Kapwa sila taga-Cebu

Si Tracy ay dalawang beses bumagsak. Ang una ay bago ang announcement ng winners at sumunod ay nang makoronahan siya bilang Miss World PH 2021.

Sinasabing posibleng dahil sa sobrang tagal ng coronation night na umabot ng anim na oras kaya bumagsak na ito sanhi ng gutom at pagod.

Ilan pa sa mga nagwagi sa Miss World Philippines 2021 sina Dindi Pajares bilang Miss Supranational Philippines 2021; Kathleen Paton bilang Miss Eco Philippines 2021, Emmanuelle Vera bilang Reina Hispanoamericana Filipinas 2021; Trisha Martinez bilang Miss Tourism Philippines 2021; Michelle Arceo bilang Miss Environment Philippines 2021; Shaila Rebortera bilang Miss Multinational Philippines 2021; Tatyana Alexi Austria Miss Eco Teen Philippines 2021; at sina Riana Agatha Pangindian at Ganiel Krishnan bilang First at Second Princess.

About John Fontanilla

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Mark Anthony Fernandez, house tour

Mark may ‘ipagmamalaki’

I-FLEXni Jun Nardo NAKITA na namin ang sinasabing sex video umano ni Mark Anthony Fernandez. Gifted …

Gerald Anderson baha ulan carina

Gerald Anderson trending, hinangaan sa kabayanihan  

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang Richard Gutierrez na tumulong noon sa biktima ng baha at bagyo sa …

Richard Gomez

Richard iniilusyon ng mga bading na magpa-sexy uli

HATAWANni Ed de Leon NAKATATAWA may gumawa ng isang survey sa mga bading sa pamamagitan …

Nadine Samonte Richard Chua

Asawa ni Nadine na si Richard pumalag; GMA tahimik sa insidente

HATAWANni Ed de Leon ANO ang akala ninyo just just lang si Nadine Samonte kaya okey kung …