Wednesday , November 12 2025

Catriona, puwedeng isabak sa pelikula at itambal kay Daniel

TIYAK iyon, kahit na isang taon pa bago maharap ni Miss Universe Catriona Gray ang showbusiness kung sakali, marami na ang mag-aabang at kukumbinsi sa kanya na pasukin ang industriya. Palagay namin kung papasukin niya ang pagiging artista, puwede dahil napakalakas ng kanyang following. Sa nakita naming ginawang pagsubaybay sa kanya ng mga tao kahit na sa social media bago pa man siya nanalo, at lalo na noong matapos manalo, parang mas malakas ang dating niya kaysa naging Miss Universe ring si Pia Wurtzbach.

Isa pa, nag-aral pala ng theater arts si Catriona, bukod sa kanyang pag-aaral din ng music, kaya nga bukod sa nakakakanta, nagko-compose pa rin siya ng mga awitin.

Isa pa, lahat ng mga Pinay na naging Miss Universe ay naging artista rin. Si Gloria Diaz ay nakagawa ng isang napakalaking hit sa una niyang pelikula, iyong  Pinaka­magandang Hayop sa Balat ng Lupa, na kung ilang buwang ipinalabas sa mga sinehan noon. Ang pelikulang iyon ang nagsimula rin noong nausong “wet look”.

Naging leading lady ni Victor Laurel ang Miss Universe na si Margie Moran, at title role siya rion sa Oh Margie Oh, na naging hit din naman.

Iyong si Pia, rati nang artista iyan eh at nakasama sa hit movie ni Vice Ganda.

Iyang si Catriona, palagay namin puwedeng isabak iyan sa isang love story. Kung iyan ay maitatambal lamang sa isang kagaya ni Daniel Padilla, palagay namin tatabo rin iyan sa takilya.

Iyong boyfriend ni Catriona, si Clint Bondad ay nag-aartista rin, pero baka hindi madala ang pelikula kung silang dalawa ang bida. Kailangan itambal muna si Catriona sa isang established actor, at sino pa nga ba ang malakas na siguradong hit kundi si Daniel.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Nadine Lustre Sarsa

Nadine ibinahagi istorya sa viral picture na may hawak na sarsa

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang guesting sa Ang Walang Kuwentang Channel nina Direk Antoinette Jadaone at JP Habac, …

Ryan Bang Paola Huyong Vice Ganda Ion Perez

Ryan may ibinuking kina Vice Ganda at Ion: role model sa pag-ibig

MA at PAni Rommel Placente NAKASAMA nina Vice Ganda at Ion Perez ang anak-anakan nilang si Ryan Bang sa  7th anniversary celebration …

Mr M Johnny Manahan MVP MediaQuest

Mr M tutuklas ng mga bagong iidolohin sa TV5

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pagpasok ni direk Johnny Manahan o Mr. M sa TV5 bilang mamamahala sa artist center …

Edu Manzano Carla Abellana Anne Curtis Dennis Trillo Alden Richards Vice Ganda

Edu, Carla, Anne, Dennis, Alden, at Vice walang tigil sa pag-usig sa mga korap

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HABANG isinusulat namin ang column na ito ay nananalasa sa buong …

VMB Viva Movie Box Valerie del Rosario

VMB ng Viva mahirap bitawan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAY puso at may tatak-Viva. Ito ang tiniyak ni Valerie del Rosario, …