Monday , March 4 2024
Sam Milby, Lloyd William Milby

Ama ni Sam Milby pumanaw sa edad 87

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

NANG mabalitaan ni Sam Milby na nasa hospital ang amang si Lloyd William Milby ay hindi na tinapos ng aktor ang trabaho niya dahil mula South Africa na may photo shoot sila ng kasintahang si 2018 Miss Universe Catriona Gray ay dumiretso na siya sa Ohio, USA.

Dumiretso naman ng Pilipinas si Catriona dahil may mga commitment siyang kailangang tapusin.

Klinaro ng kampo ng aktor na hindi COVID19 ang ikinamatay ng daddy niya at dala na rin siguro ng katandaan na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Oktubre 21 sa edad na 87 na tubong Dayton, Ohio USA.

Good thing nakapiling pa ni Sam ang ama noong kaarawan niya at pagkalipas ng halos dalawang linggo ay namaalam na nitong Martes, 6:00 p.m. oras sa Ohio at 11:00 a.m. naman sa Pilipinas.

Kasama ni Sam ang Ate Eda niya at inang si Elsie Ronquillo Lacia Milby nang malagutan ng hininga ang padre de pamilya.

Ipinost ng aktor ang larawang hawak niya ang kamay ng ama sa Instagram account nito, ”Rest in peace dad…. love you.”

Nagparating naman ng pakikiramay ang mga kaibigan at co-actors ni Sam sa showbiz industry.

Tulad ni @beaalonzo, ”my deepest condolences (emoji praying hands).

Ang aktor na si Edgar Allan Guzman, ”My deepest condolences brother (praying hands).

Sina Erickson Raymundo na manager nila ni Erik Santos ay praying hands.

“My deepest condolences brother,” mula naman sa singer/producer na si @gabvalenciano.

Si @andersongeraldjr, ”My brother, my deepest condolences.. Always here.”

Mula kay KC Concepcion, ”my family and I send our deepest condolences Samuel. until you meet again…”

“Hugs brother…” galing kay @jerichorosalesofficial.

“Oh no, I’m so sorry, Sam… sincerest condolences to you and yours,” say naman ni Lea Salonga.

Nakiramay din ang dating Presidente ng ABS-CBN na si Ms Charo Santos-Concio, ”My deepest condolences.”

Nabasa rin namin ang mga pangalan nina Joseph Marco, John Prats, Hero Angeles, Rodjun Cruz, Isabel Oli-Prats, Moira at iba pa na nakiki­ramay din.

At si Catriona,  ”Always standing with you in prayer (emoji praying hands).”

Mula sa  HATAW ang aming pakikiramay sa pamilya ni Sam Milby.

About Reggee Bonoan

Check Also

030424 Hataw Frontpage

PREMYADONG AKTRES JACLYN JOSE, NATAGPUANG WALANG BUHAY, IMBESTIGASYON NAGPAPATULOY  
Coco, Cherry Pie agad nagtungo sa bahay

ni ED DE LEON  NATAGPUANG walang buhay ang batikang aktres na si Jaclyn Jose sa …

Gelli De Belen Patricia Tumulak Sherilyn Reyes-Tan Manoy Wilbert Lee

Gelli, Patricia, Sherilyn, at Manoy Wilbert magbibigay inspirasyon sa kanilang show

ni Allan Sancon MAGSASAMA-SAMA sina Gelli De Belen, Patricia Tumulak, Sherilyn Reyes-Tan, at ang dating businessman …

KMJS Jessica Soho 1000

KMJS naka-1000 episodes na

RATED Rni Rommel Gonzales SANA all nagtatagal. Sana nga lahat ay gaya ng Kapuso Mo, Jessica …

Jon Lucas

Jon Lucas ayaw padehado

RATED Rni Rommel Gonzales HIGHBLOOD na naman malamang ang viewers sa mga plano ni Calvin …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle at Derrick happy na extended ang Makiling

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI lang viewers ang masaya sa good news na extended ang Makiling dahil …