Thursday , June 25 2026
Owner, caretaker, 21 ‘basketbolista’ sa Pasig inaresto (Sports arena binuksan kahit MECQ)

Owner, caretaker, 21 ‘basketbolista’ sa Pasig inaresto (Sports arena binuksan kahit MECQ)

HAHARAPIN ng may-ari at ng caretaker ng isang sports arena sa lungsod ng Pasig ang kasong paglabag sa EO No. PCG-66 ng RA 11332 ng Inter-Agency Task Force (IATF) matapos payagang maglaro ng basketball at magpustahan ang may 21 katao sa kanilang pasilidad, sa gitna ng umiiral pang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Kinilala ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng Pasig police, ang dinakip na may-ari ng Metro Asia Arena na si Albert Dy, at caretaker na si Elmer Mendoza.

Samantala, pinauwi ang 21 kataong nahuling naglalaro ng basketball kabilang ang dalawang menor de edad matapos magnegatibo sa CoVid-19 antigen test.

Dakong 8:00 pm nitong Linggo, 5 September, pinagdadampot ng mga awtoridad mga naglalaro ng basketball sa Metro Asia Sports Arena sa Elisco Rd, Brgy. Kalawaan, sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay Arugay, ipinaabot sa pulisya ang reklamo ng isang concerned citizen na mayroong mga naglalaro ng basketball sa lugar na direktang pagsuway sa Executive Order No. PCG-66, at sa kasalukuyang umiiral na MECQ sa Metro Manila, pati na ang paglabag sa health protocols.

Nasa aktong naglalaro at nagpupustahan sa basketball ang mga suspek nang arestohin ng mga kagawad ng pulisya.

Agad dinala ang 21 violators sa Child’s Hope Hospital para sa antigen test upang matiyak na negatibo sila sa CoVid-19 virus, na agad din pinauwi.

Kasalukuyan nang nakapiit ang may-ari at caretaker ng sports arena para sampahan ng kaukulang kaso sa hukuman. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

CICC GoreBox

Sa naganap na pamamaril sa eskuwelahan sa Tacloban
APPS NG GAMING NA GOREBOX, IPINAGBAWAL NG CICC

PANSAMANTALANG ipinagbawal ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang application ng gaming na GoreBox …

Pagkakaisa ng mga Magtatahong sa Bacoor PAMABA

Sa maliit na kita sa masamang panahon 
MAGTATAHONG HINILING, BAYARIN BAWASAN SA PANAHON NG BAGYO

ni TEDDY BRUL BACOOR, Cavite — Pormal na nanawagan ang mga lider ng Pagkakaisa ng …

Insta360 Luna Ultra 1

Insta360 Launches Luna Ultra and Expands Retail Presence Across the Philippines
Leica Co-Engineered Gimbal Camera Leads Brand’s Growth to 50 Stores Nationwide

Insta360 officially introduced the Luna Ultra in the Philippines, marking the brand’s entry into the …

Mini-casino sa peryahan sa Bulacan at Pampanga, untouchables

Mukhang tigasin ang mga operator ng dalawang peryahan na matatagpuan sa Lias, Marilao, Bulacan at …

Camille Villar

Villar nanawagan
Mas matibay na seguridad, pinalawak na suporta para sa kalusugang pangkaisipan

NAGPAHAYAG si Senator Camille Villar ng matinding kalungkutan at pag-aalala kaugnay ng trahedyang pamamaril sa …