Saturday , April 27 2024
shabu

P.5-M droga kompiskado sa 2 tulak sa Pasig

NAREKOBER ng mga awtoridad ang higit sa P500,000 o kalahating milyong pisong halaga ng shabu mula sa hinihi­nalang dalawang tulak na nadakip sa lungsod ng Pasig, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Lt. Elvin Olmedillo ang mga arestadong suspek na sina Rhina Rose Olarte, 27 anyos, at Jericson Laguna, 27 anyos, kapwa residente ng Pasco Ave., Barangay, Santolan, sa naturang lungsod.

Nadakip ang mga suspek sa buy bust operation na ikinasa ng pulisya dakong 1:30 am noong Linggo, sa Evangelista St., Pasco Ave., sa nabanggit na lungsod.

Unang nakuha sa mga suspek ang drogang may timbang na 25 gramo sa asset na nagka­kahalaga ng P179,000; isang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang plastic bag na nagka­kahalaga ng P340,000; 29 tag-P1,000 bill ginamit sa buy bust operation; cellphone; at timbangan ng ilegal na droga.

Sa kabuuan, nasa P510,000.00 ang halaga ng mga nasamasam na droga mula sa dalawang suspek.

Kasalukuyang naka­piit ang mga suspek sa detention cell ng Pasig PNP at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Com­prehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *