Wednesday , December 1 2021
shabu drug arrest

2 itinurong ‘tulak’ timbog sa droga (Sa Montalban)

ARESTADO ang dalawang hinihinalang drug pusher at nakuha sa kanila ang 25 transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu sa buy bust operation na ikinasa ng mga awtoridad kamakalawa ng hapon, 17 Agosto, sa bayan ng Montalban, lalawigan ng Rizal.

 

Kinilala ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Joseph Arguelles ang mga nadakip na suspek na sina Alexander Rañada, alyas Asiong, nasa hustong gulang at nakatira sa Blk. 15 Lot 63 Phase 1-B, Kasiglahan, Barangay San Jose; at Shiwon Guibone, 20 anyos, na sinabing binabagsakan ng droga ni alyas Asiong.

 

Nasakote ang mga suspek dakong 3:00 pm noong Lunes, sa Daang Bakal St., Barangay Manggahan, sa nabanggit na bayan.

 

Nasamsama mula sa dalawang suspek ang 25 transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, marked money, at isang sling bag.

 

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon si P/Lt. Jackson Aguyen, deputy ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) sa raket ng mga suspek kaya tumayong buyer si P/SSgt. Lyod Años at isinagawa ang anti-illegal drugs operation laban sa mga nadakip.

 

Kasalukuyan nang nakapiit ang dalawa sa detention cell at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Sab Aggabao Cara Gonzales Ayana Misola Stephanie Raz Darryl Yap

Direk Darryl sa Pornstar: Sampal sa mga konserbatibo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “THIS is a testament.” Ito ang iginiit ni Direk Darryl …

5 tulak nakalawit
DRUG DEN NABUWAG SA SUBIC

ARESTADO ang limang drug suspects habang nabuwag ang isang hinihinalang drug den ng mga awtoridad …

Driver sugatan sa ambush
KANDIDATONG KONSEHAL, 1 PA TODAS

PATAY sa pamamaril ng mga hindi kilalang suspek ang isang kumakandidatong konsehal at ang kanyang kasama …

300 bahay naabo sa Cebu

NATUPOK ang hindi bababa sa 300 bahay nang sumiklab ang sunog sa Brgy. Mambaling, sa lungsod …

Paslit na anak minolestiya
ng maelyang ama

HINDI na nakapagpigil  ang isang maelyang ama at pati ang sariling anak na 4-anyos ay ‘pinaglaruan.’ Naaresto …

Leave a Reply