Friday , October 22 2021

Pagharap sa problema ng Ang Probinsyano, ibigay sa production team

NAIINTINDIHAN namin kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon ni Senadora Grace Poe sa mga kontrobersiyal na usapan ngayon tungkol sa seryeng Ang Probinsyano. Hindi lamang iyon batay sa isang pelikula ni FPJ, kundi sa paggamit ng titulo niyon, kumikita rin naman ang kanilang pamilya ng royalties sa serye, bukod pa nga sa kasama rin sa cast si Susan Roces.

Pero mukhang mali iyong depensa niya na iyon ay mga fictional characters lamang at hindi naman dapat isiping makasisira sa PNP. Halimbawa, may gumawa ng isang fiction story tungkol sa senado, gumawa ng mga fictional characters na nagnanakaw sa pamamagitan ng pork barrel, tumatanggap ng lagay para sa impeachment ng ibang opisyal ng gobyerno, tumatanggap ng lagay para paboran ang mga batas na makapagbibigay ng pabor sa mga malalaking kompanya. Itatago ang mga resulta ng imbestigasyon dahil nakatanggap ng lagay, o kaya’y political advantage, hindi kaya papalag din ang mga senador kahit na sabihing fiction lang naman iyon?

Makikita mo ang drumbeating. Tinitira nila ang PNP at inaakusahan iyon ng pakikialam sa serye. Eh pumapalag lang naman sila dahil sinasabi ngang nakasisira na iyon sa imahe ng ahensiya.

Nagtataka lang naman kami, bakit hindi sila sumunod sa sinasabi ni Coco Martin. Si Coco ang bida sa serye. Kung titingnan ninyo ang credits, siya ay mismong creative consultant ng seryeng iyon. Hindi rin maikakaila na may mga bahagi ng serye na siya mismo ang nagdidirehe. Pero ano ang sinasabi ni Coco? Hindi ba humihingi siya ng dispensa kung may nasiraan man ang serye at nagsabi siyang nakahanda naman silang baguhin iyon?

Bakit may ibang taong pinalalaki pa ang problema? Bakit ginagawa pang issue ganoong wala naman dapat. Mas masisira pa ang Ang Probinsyano dahil sa ginagawa nila. Pabayaan nila ang mismong production team ang humarap doon. Pabayaan na lang nila kung ano ang sinasabi mismo ni Coco at sigurado kami, mas maganda ang magiging resulta.

ni Ed de Leon

Isang dating member ng Clique V, kinasuhan   

Isang dating member ng Clique V, kinasuhan   

About Ed de Leon

Check Also

Blind Item, Woman, man, gay

BF ni sikat na aktres boylet din ni batang matinee idol

ANO kaya ang sasabihin ng magaling at sikat na aktres kung makakarating sa kanya ang tsismis …

Ron Angeles

Ron Angeles may experience na nga ba sa bading?

MATABILni John Fontanilla MATAPANG na inamin ni Ron Angeles sa kanyang latest vlog sa  Youtube Channel na may …

Andrea Torres

Andrea nakikipag-date na

Rated Rni Rommel Gonzales MATAPOS ang hiwalayan nila ni Derek Ramsay last year, kinompirma ni Andrea Torres na nakikipag-date …

Jennica Garcia, Alwyn Uytingco

Jennica no comment sa posibilidad na pagbabalikan nila ni Alwyn

Rated Rni Rommel Gonzales ANIM na buwan  ng hiwalay at patuloy na inaayos nina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco ang …

Kylie Padilla, Aljur Abrenica

Pasabog ni Aljur laban kay Kylie nag-boomerang

FACT SHEETni Reggee Bonoan ILANG buwang nag-ipon ng lakas si Aljur Abrenica bago nito isapubliko kung ano …

Leave a Reply