Saturday , November 8 2025
Piolo Pascual, Maja Salvador, Niña Niño

MAJA EXCITED, PIOLO MAPAPANOOD NA SA NIÑA NIÑO

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SIMULA ngayong araw, Oktubre 19, mapapanood na ang ultimate heartthrob na si Piolo Pascual sa hit comedy-drama series ng TV5 na Niña Niño. Gaganap si Piolo bilang Mayor Christopher Charles Juarez, ang bagong halal na mayor ng Sitio Santa Ynez.

Ang Nina Nino ay inihahandog ng Cignal Entertainment at CS Studios at napapanood tuwing Lunes, Martes, at Huwebes, 7:15 p.m., pagkatapos ng Sing Galing at bago ang FPJ’s Ang Probinsyano sa TV5.

Isa si Piolo sa mga producer ng Niña Niño.

Bago ang pagpasok ni Piolo sa comedy-drama series, sinabi na ni Maja Salvador sa pamamagitan ng kanyang Instagram ang excitement sa pagpasok ng aktor sa kanilang serye.

Aniya, ”Pangarap ko lang to! Salamat Papa P!!! Next Movie naman please.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na magkakatrabaho sina Piolo at Maja. Nakagawa na sila ng isang teleserye noong 2006, ang Sa Piling Mo na katambal ng aktor si Judy Ann Santos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gatewat Mall Araneta Xmas

Maningning na Pag-iilaw sa Christmas Tree ng Gateway Mall 2

MASAYA at maningning na isinagawa ang Christmas Tree Lighting ng Gateway Mall 2 sa Quantum …

Lakambini Gregoria De Jesus Rated PG MTRCB

Pelikulang “Lakambini, Gregoria De Jesus,” binigyan ng rated PG ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BILANG bahagi ng paggunita sa ika-150 taong kapanganakan ng isa …

CineGoma FilmFest

CineGoma FilmFest aarangkada na sa November 24-29 

RATED Rni Rommel Gonzales MULA sa pagiging may-ari ng pabrika ng goma o rubber, ang …

Judy Ann Santos Ryan Agoncillo

Juday sa 16 na taon nila ni Ryan: Being together is more than enough for me

MA at PAni Rommel Placente SIXTEEN years nang kasal sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. At sa …

Kim Chiu sexy

Kim tapos na sa teeny bopper image, alindog inilantad 

MA at PAni Rommel Placente SA bagong serye ni Kim Chiu, katambal ang ka-loveteam na si Paulo …