Thursday , December 11 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz, Macky Mathay

Sunshine freelance, pwede magtrabaho saan mang network

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

ANG tagal nang hindi muna binubuksan ni Sunshine Cruz ang kanyang Messenger account sa Facebook.

Umiiwas nga siya kasi sa mga ka-toxican at ka-negahan na nakararating sa kanya sa iba’t ibang pagkakataon.

Kaya naman, minabuti na nga lang niyang maging abala sa paggantsilyo ng mga naisusuot nila ng kanyang mga dalaga habang naghihintay ng mga proyektong lalagpak sa kandungan niya sa pamamagitan ng manager na si ALV (Arnold L. Vegafria).

O kaya naman, post kete post lang ng romansahan nila ng iniibig na si Macky Mathay at nangyayari sa piling ng mga pamilya nila.

Ngayon, magtatrabaho na uli si Sunshine. May gusto siyang sabihin, ”Hello everyone! Magandang gabi po!

“Konting pagkaklaro lang sa ilang mga comments na aking nabasa ngayon. 

“I am grateful to both networks for always giving me the opportunity to work for them. Lagi nila akong tinatanggap with open arms at blessing ang work sa akin. I appreciate the inquiries and work being given to me by both Kapamilya and Kapuso 

“Even with TV5 nagpapasalamat ako because I will be seen soon bilang guest sa “Niña Niño”. 

“Hindi ako nagdalawang isip dahil gusto ko ulit makatrabaho si Ms. Maja Salvador na aking naging anak sa “Wildflower”. 

“Isa akong “freelance artist o freelancer” and as a single mom who fends for my 3 princesses, ang magandang oportunidad that’s being offered to me ay aking tatanggapin. 

“I am 44 years old pero marami pa akong pangarap at gustong ma-achieve sa buhay. Huwag po sana kayo magalit sa mga katulad naming freelance artist na ang gusto lamang ay magtrabaho ng maayos para sa aming mga pamilya.”

Huwag na lang pagpapansinin ni Sunshine ang mga unsolicited advice. Nagawa nga niyang dumedma sa messages in her socmed, siguro ito kaya na rin niyang huwag ng pansinin pa uli!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Nijel de Mesa Direku figurine

Direk Nijel de Mesa at NDM execs, todo-celebrate sa 25th anniversary launch ng “Direku” figurine!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA na namang milestone ang nagawa ng NDMstudios nang ilunsad …

Marcos Mamay

Marcos Mamay, humahataw sa larangan ng public service at sa mundo ng showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA pagtatapos ng kasalukuyang taon, si Vice Mayor Marcos Mamay ay nakapagtala …

Imelda Papin Pilipino Tayo

Imelda Papin naiyak sa paglulunsad ng Pilipino Tayo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI napigilang maiyak ni music icon na si Ms Imelda Papin matapos palakpakan, …

Mark Lapid Lito Lapid

Sen Lito sa bibida sa kanyang biopic: Anak o apo ko, kay Coco pag-uusapan naming pamilya 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINILING pala ni Sen. Robin Padilla kay Sen. Lito Lapid ang istorya nito. Ito ang …

Isha Ponti Andrea Gutierrez

Isha Ponti, Andrea Gutierrez may patutunayan sa The Next Ones

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MALALIM at personal para sa tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha …