Friday , January 21 2022
Maja Salvador Rhea Tan Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters

Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters, perfect kay Maja Salvador

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KITANG-KITA ang pagiging magka-vibes nina Maja Salvador at lady boss ng Beautederm na si Ms. Rhea Tan sa ginanap na launching ng Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters, recently. Bukod kasi sa parehong Ilocana, kapwa matindi ang pagpapahalaga nila sa health lalo na ngayong panahon na kailangang-kailangan magpalakas ng katawan at resistensiya ng lahat dahil sa pandemya.

Panimulang pahayag ni Ms. Rhea, “Napakasaya ng aking puso, dahil isa sa pinakamabait sa industriya, tunay na mabait sa likod at harap ng kamera ay kasama ko na sa Beautederm family. Unti-unti na pong nakokompleto ang listahan ng aking mga babies.”Biro pa ni Ms Rhea,”Siya (Maja) po ang nawawala kong kapatid.”Pagpapatuloy pa ng President and CEO 

“Iyon po ang isa sa gusto ko kay Maja, kasi I heard a lot of things about her. Ang una ko kasing itinatanong kapag gustong maging Beautederm baby ay, ‘Mabait ba iyan?’ And legit na mabait ang isang Maja Salvador, kaya sa sandaling kami ay magkaibigan ay, ako ay nagmamahal na agad sa kanya.”

Sa parte naman ni Maja, nagpasalamat siya sa kabaitan ni Ms. Rhea.

Anang magandang aktres, “Thank you manang Rhea, sabi nga ni Kakai (Bautista) na matagal na sa Beautederm at isa sa sinasabi niya is sobrang bait nga ni Manang Rhea and noong nagkita kami at nagkakilala kami… ay oo naman…

“Hindi ko alam kung gift sa akin iyon, pero mayroon talaga akong… yung kapag nakita ko yung isang tao, ramdam mo kung genuine ang ipinapakita or hindi. Pero siya, parang magkapatid kami, parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya.”

Tugon naman ng masipag na business woman, “Ang mga promises ko ay nagkakatotoo… sabi ko nga, sa family ay ipinapakita ko kung gaano ko ka-love ang lahat, na lahat kayo ay love ko. Pero siyempre, laging may pa-bonus ang mga… kaya ka nga kumuha ng endorsers to help you promote.

“At iba-iba talaga ang endorsers… mayroon iyong para lang mag-post… kasama…Pero may mga ibang endorsers talaga na ginagawa nila at mahal nila ang produkto mo. Kaya mas lalo ko silang minamahal, dinadagdagan ko pa, hahaha!” nakatawang wika pa n Ms. Rhea.

Lahad pa ni Maja, “Ako po ay sobrang grateful dahil kahit sa panahon ng pandemic ay mayroon pong nagtiwala sa akin, ito ngang ating Beautederm family.

And idagdag ko lang po, very happy ako to endorse this product, kasi talagang kailangan natin ngayong pandemic.

“So, nakakatuwa na si Ms. Rhea at ang Beautederm ay talagang nag-create na naman ng bagong product para sa ating lahat. For our protection… para mas gumanda, mas maging healthy tayo mula ngayon hanggang sa susunod pang maraming taon. Kumbaga, ini-ready na tayo ni Ms. Rhea at ng Beautederm family na kung ano man ang dumating pa sa mga susunod na panahon ay mayroon siyang mga product na talaga namang quality, na talaga namang one hundred percent na matutulungan tayo. Kaya thank you madam.

“Malaking blessing ang Beautéderm at honored ako to be a brand ambassador of Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters,” sambit pa ni Maja na kilala rin bilang isang serious health buff na makikita sa kanyang aktibong pamumuhay.

Pahabol na esplika pa ng aktres, “Ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ay ang perfect set of supplements para sa akin. Naniniwala ako na dapat lahat balanse – there’s a time to work and a time to unwind and have fun. Pero ang constant sa buhay ko ay ang aking conscious effort to stay healthy. Napakahalaga ng health at pinagtutuunan ko ito ng pansin araw-araw. Ito ang dahilan kung bakit ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ang perfect set of supplements para sa akin and I am encouraging everyone to make this line of health boosters a part of their daily lifestyle for that added boost of strength and vigor.”

Malakas ang hatak ni Maja upang maengganyo ang mga kabataan at adults edad 18 years old pataas para gumamit at uminom ng Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters na binubuo ng pitong FDA-notified at all-natural health supplements na kinabibilangan ng Kenzen Z Plus (Immunity Booster); Kenzen MeMax (Memory Booster), Kenzen VivaGen (Energy Booster); Reiko PrestoSol (Sun Protection Enhancer); Reiko Fitox (Digestion Enchancer); Reiko Slimaxine (Diet Enhancer); at Reiko SomNest (Sleep Enhancer).

Higit isang taon ang iginugol nina Ms. Rhea kasama ang kanyang team sa Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters upang masiguro ang holistic health na mahalaga upang mabuhay at magtagumpay lalo na ngayon na kailangan ng malusog na katawan at pag-iisip upang malagpasan ang global health crisis.

Paliwanag ni Ms. Rhea, “We have been working on Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters for a very long time and now that it is finally here, worth the wait talaga. Bago pa man ang pandemic, very conscious na ako sa aking kalusugan and now more than ever, we all need to strengthen our immune system in order to survive, to work hard for our families and loved ones.”

“I am one with Maja in advocating a balanced, healthy lifestyle. Perfect match talaga si Maja at ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters at overjoyed ako to welcome Maja to the family.”

About Nonie Nicasio

Check Also

Perci Intalan Gameboys The Movie

Direk Perci nanghihinayang screening ng Gameboys The Movie sa Japan ‘di mapupuntahan

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga HINAYANG na hinayang si Direk Perci Intalan ng The IdeaFirst Company, producer ng hit film …

Alden Richards ForwARd Meet Richard R Faulkerson Jr

2 scholar ni Alden nakapagtapos na sa kolehiyo

RATED Rni Rommel Gonzales MASAYANG-MASAYA si Alden Richards mula nang nalaman niyang dalawa na sa kanyang mga …

Sheryl Cruz

Sheryl mukhang kaedaran lang ng mga Primadonnas

MATABILni John Fontanilla FRESH na fresh at mukhang batambata si Sheryl Cruz habang nagti-Tiktok kasama sina Althea Ablan at Sofia Pablo ng Primadonnas …

FDCP Film Talks Batangas Forum Doon Po Sa Amin Pride

Batangas forum at FDCP nagdaos ng filmmaking workshop series para sa mga Batangueño

MULA sa Batangas Forum for Good Governance and Development Association, Inc. (BF), sa tulong ng Film Development Council of …

Bianca Umali Ysabel Ortega Johnny Manahan Mr M Gabbi Garcia Sanya Lopez Khalil Ramos Derrick Monasterio Miguel Tanfelix Ruru Madrid

Bianca, Ysabel, Gabbi, Sanya, Khalil, Derrick, Miguel, at Ruru tiyak ang pag-sparkle ng mga career

RATED Rni Rommel Gonzales SA ginanap na media conference ng Sparkle’s next brightest stars for 2022, nagbigay …