Friday , December 1 2023

‘Bato’ ni Darna nawawala kaya ‘di na matuloy-tuloy?

ANO ba ang nangyayari talaga at naurong na naman ang pagsasa-pelikula niyang Darna?

Noong una ay sinasabing tuloy na tuloy na iyan at ang magiging bida ulit ay si Angel Locsin. Maraming sinasabing naghahanda na si Angel, pero hindi natuloy dahil nagkaroon siya ng problema sa kanyang likod at kailangan niyang sumailalim sa isang operasyon. Nagpa-opera naman si Angel sa Singapore pa, at sinasabing kailangan lang ng kaunting therapy, puwede na niyang simulan ang pelikula.

Tapos ewan kung ano ang nangyari, basta hindi na puwede si Angel dahil sa mga action scene ng Darna. Pero ngayon ang sinasabing ginagawa niya ay mas matindi pa dahil may martial arts pang kailangan niyang gawin.

Kung sino-sino ang pinahulaan nilang papalit kay Angel, hanggang sa bumagsak na nga lang kay Liza Soberano. Dalawang taon na rin ang lumipas, tapos biglang nagkaroon ng problema. Umalis si direk Erik Matti na siya sanang gagawa ng project. Mayroon daw “creative differences” kaya nawala si Matti. Biglang ang director na ay si Jerrold Tarog.

Ngayon biglang wala na naman dahil uunahin muna ang isang pelikula ni Liza na katambal si Enrique Gil. Bakit? Ano nga ba ang nangyayari sa Darna? Nawawala ba iyong “bato”?

May mga mapamahiin, at maraming ganyan sa showbusiness, na nagsasabing baka nga mas mabuti pa huwag nang ituloy iyang Darna ngayon. Maghintay na lang sila ng tamang panahon para gawin ang project na iyan. Aba eh lahat na lang ng delay dumating na eh. Baka naman kung magawa nila iyang Darna na iyan maging disaster pa.

Sayang ang project pero naniniwala kami na kung ganyan ngang bantulot silang gawin iyan, mas mabuti pang huwag na muna nilang ituloy.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Parinig ni Janno sa Star Music, binura agad

Parinig ni Janno sa Star Music, binura agad

About Ed de Leon

Check Also

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Daniel kay Kathryn — ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan at walang katapusan

SAMANTALA, matapos kompirmahin ni Kathryn Bernardo ang lbreak-up nila ni Daniel Padilla, ang aktor naman ang nag-post ng …

Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla

Kathryn kinompirma hiwalay na sila ni Daniel

BINASAG na ni Kathryn Bernardo ang kanyang pananahimik. Inamin nitong hiwalay na sila ni Daniel Padilla. Idinaan ng …

Robi Domingo Andrea Brillantes Daniel Padilla 

Robi Domingo iginiit ‘di niya in-unfollow sina Daniel at Andrea: hindi ko naman kasi talaga sila pina-follow 

NILINAW ni Robi Domingo na hindi totoo ang mga naglalabasang tsika na in-unfollow niya sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla sa …

Angelica Cervantes

Angelica Cervantes umamin tatlong taon ng may karelasyong babae

RATED Rni Rommel Gonzales IBA na ang panahon ngayon. Kung noon ay ang kabadingan lamang …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo parang isang buong flower shop ang ipinadala sa CEO ng Beautederm

RATED Rni Rommel Gonzales AMINADO si Bea Alonzo na unexpected ang pagkakabati nila ni Manay Lolit Solis sa birthday …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *