Thursday , July 7 2022

2 kidnaper todas sa shootout (Biktima nakatakas)

072516 kidnaper shootout dead
PATAY ang dalawang hinihinalang kidnaper makaraan makipagbarilan sa mga awtoridad sa Arayat St., Triangle Park, Brgy. Malamig, Mandaluyong City kamakalawa ng gabi. ( ALEX MENDOZA )

PATAY ang dalawang lalaki nang makipagbarilan sa mga pulis makaraan tangkang dukutin ang isang babae sa isang banko sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, dakong 11:00 pm tinangka ng mga suspek na dukutin ang isang babae sa isang banko sa Bonifacio Avenue ngunit nakatakbo ang biktima at nakapagsumbong sa traffice enforcers.

Agad itinawag ng traffice enforcers sa Mandaluyong PNP ang insidente kaya agad naglatag ng dragnet operation sa erya.

Nasalubong ng mga pulis ang sasakyan ng mga suspek sa Arayat St., Brgy. Malamig sa lungsod.

Pinababa ng mga pulis ang mga suspek ngunit pinaputukan sila kaya napilitan ang mga awtoridad na gumanti ng putok na ikinamatay ng dalawa.

( ED MORENO )

About Ed Moreno

Check Also

Bongbong Marcos BBM Mark Lapid Tanya Garcia

Mark T. Lapid itinalagang COO ng TIEZA

MULING itinalaga bilang Chief Operating Officer (COO) ng Tourism Infrastructure and Enterprise Authority (TIEZA) si …

Ambeth Ocampo Ella Cruz

Pinoy historian umentra sa pasabog ni Ella

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng tawa namin nang makita sa isang social media …

Tirso Cruz III Johnny Revilla Bongbong Marcos BBM

Tirso Cruz III bagong FDCP chair, Johnny Revilla sa MTRCB

UMAGA pa lang kahapon, July 5 umugong na ang balitang pinalitan na si Liza Dino Seguerra bilang Film …

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …

Leave a Reply