Saturday , July 27 2024

Security Cluster meeting nasentro sa Mindanao (Ayon sa Palasyo)

KINOMPIRMA ng Malacañang, nasentro sa Mindanao security situation ang pinag-usapan sa Security Cluster meeting na ipinatawag ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, sa nasabing meeting nagbigay ng updates ang AFP at PNP kay Pangulong Aquino sa ginagawang mga operasyon sa rehiyon.

Ayon kay Coloma, patuloy ang determinasyon ng gobyerno para mailigtas ang hostages na hawak ng mga terorista o kidnap-for-ransom groups.

Sa pamamagitan aniya ito nang pinaghalong law enforcement at military operations.

“The President and members of the Security Cluster were given updates by the AFP and the PNP on the security situation in Mindanao. Government continues to exert determined efforts to bring about the safe release of the kidnap-for-ransom hostages through a combination of law enforcement and military operations,” ani Coloma.

About Hataw News Team

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *