Thursday , July 25 2024

Amang senglot nag-amok, binoga ng anak

VIGAN CITY – Isinugod sa pagamutan ang isang padre de pamilya makaraang barilin ng sariling anak nang mag-amok ang lasing na ama kamakalawa sa Ilocos Sur.

Kinilala ang biktimang si Felipe Gorospe, 60, tricycle driver, habang ang salaring anak ay si Philip Gorospe, 28, negosyante, parehong residente ng Cabanglutan, San Juan, Ilocos Sur.

Batay sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nag-inoman ang mag-ama sa loob ng kanilang bahay nang magkaroon sila nang matinding pagtatalo.

Bunsod nito, nagwala ang biktima at pinagbabasag ang kanilang gamit.

Dahil hindi maawat ng suspek ang ama, kumuha ng baril ang suspek at pinagbabaril ang biktima.

Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang suspek at nakuha sa kanya ang cal. 38 na ginamit sa pamamaril.

Habang isinugod sa ospital ang biktima at patuloy na nagpapagaling.

About Hataw

Check Also

Bong Revilla Jr Denver Chua Jolo Revilla Cavite

200 + pamilyang biktima ng sunog sa Cavite City dinalaw ni Senator Bong

DINALAW ni Senator Ramon “Bong”Revilla, Jr., ang mahigit sa 200 pamilyang nasunugan sa Brgy. 5 …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Carina ulan baha

Klase suspendido sa Metro Manila at Cavite Province

SUSPENDIDO ang klase sa ilang paaralan sa Metro Manila at lalawigan ng Cavite dahil sa …

072324 Hataw Frontpage

POGO ‘TODAS’ KAY BONGBONG

“EFFECTIVE today all POGOs are banned.”                Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., …

Cruise Visa Waiver DOT DOJ Immigration

PH target maging tourist hub of Asia  
CRUISE VISA WAIVER INILUNSAD NG BI DOT, DOJ NAKIISA

PARA higit na palakasin ang turismo sa bansa, inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *