Thursday , June 4 2026

Traffic enforcer tigbak sa parak (Nag-agawan sa club dancer)

NAGA CITY – Agad binawian ng buhay ang isang traffic enforcer makaraang barilin ng isang pulis sa Brgy. San Vicente, Pili, Camarines Sur, pasado 2:30 a.m. kahapon.

Kinilala ang biktimang si Albert Bufete, traffic enforcer sa nasabing bayan.

Ayon kay Chief Insp. Chito Oyardo, hepe ng PNP-Pili, kinilala ang suspek na si PO1 Leo Dumangas, nakadestino sa nasabing himpilan.

Nabatid na umiinom sa isang resto bar ang biktima habang naroon din ang suspek nang magkaroon sila nang hindi pagkakaunawaan.

Alegasyon ng suspek, nakita niyang akmang bubunot ng armas ang biktima kung kaya inunahan niya nang paputukan.

Tinaman ng bala ng baril sa balikat at ulo ang biktima na naging daan ng agarang kamatayan.

Pinaniniwalaang nag-away ang biktima dahil sa star dancer ng bar na kinilala lamang sa pangalang Myla.

Nakakulong na si Dumangas habang patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …