Monday , July 15 2024

Konsehal patay, mister sugatan sa tandem sa Dapitan

DIPOLOG CITY – Patay ang isang incumbent barangay councilor habang sugatan ang kanyang mister makaraan pagbabarilin ng riding in tandem sa Purok Kawayan, Brgy. Liyang, Dapitan City kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Riza Gablines, 46, konsehal ng Sicayab Bucana Dapitan City, habang ang asawa ay kinilalang si Marlon Gablines, 48-anyos.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang mag-asawa galing sa kanilang tindahan lulan ng asul na Mitsubishi pick-up nang mamataan ang dalawang ‘di nakikilalang lalaking sakay ng motorsiklo.

Biglang nag-overtake ang motorsiklo at binaril ang mga biktima.

Tinamaan ang konsehal sa kaliwang balikat malapit sa dibdib.

Sinasabing nakahingi pa ng tulong ang mag-asawa, at dinala sa pagamutan ang mga biktima ngunit hindi na umabot nang buhay ang konsehal.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang motibo sa pamamaril.

About Hataw

Check Also

Marcoleta Miru

Miru Systems’ 18 Billion Peso Contract for Philippine Elections Sparks Major Concerns

Manila, Philippines — On July 9, 2024, Hon. Rodante D. Marcoleta, Party List – SAGIP, …

knife saksak

 ‘Iska’ hinoldap, sinaksak sa UP Diliman

SUGATAN ang isang iskolar ng bayan (ISKA) nang pagsasaksakin ng isa sa tatlong holdaper nang …

071024 Hataw Frontpage

Walang kooperasyon
DPWH SINISI NI CHIZ SA ISYU NG NEW SENATE BUILDING

ni Niño Aclan TAHASANG sinabini Senate President Francis Jospeh “Chiz” Escudero na ang kawalan ng …

Modern Beetle Car Boys Dead

Mag-utol na totoy natagpuang patay sa moderno ngunit abandonadong beetle

PATAY nang matagpuan sa loob ng abandonadong beetle ang magkapatid na batang lalaki na huling …

shabu drug arrest

P.27-M halaga ng shabu kompiskado, most wanted, manunugal, arestado

NAGSAGAWA ng serye ng pinaigting na operasyon ang pulisya sa Bulacan na nagresulta sa pagkakakompiska …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *