Sunday , September 8 2024

2 patay, 3 sugatan sa motorsiklo vs tricycle sa La Union

LA UNION – Idineklarang dead on arrival sa La Union Medical Center sa bayan ng Agoo ang dalawang biktimang magkakaangkas sa motorsiklo makaraan makasalpukan ang isang tricycle sa Brgy. Damortis, bayan ng Sto. Tomas kamakalawa.

Kinilala ang mga biktimang namatay na si Allan Marquez, 35, residente ng Brgy. Bael, Sto. Tomas, at ang backride niyang si Degracias.

Samantala, sugatan ang mga sakay ng isang tricycle na sina Crisanto Diserio, 35, driver, Rovil Fabro, at Jun Alcantara, pawang mga residente ng bayan ng Rosario.

Batay sa pagsisiyasat ng Sto. Tomas PNP, habang binabagtas ng motorsiklo ang pahilagang direksyon ng kalsada ay bigla itong sinalpok ng tricycle na papasok sa highway.

Nabatid sa medical examination na positibong nakainom ng alak ang tatlong mga sugatan sa insidente.

About Hataw

Check Also

Pasig City

Anti-graft posturing ni Mayor Vico  Sotto hanggang salita lang, — Tayo Pasig Movement

PASIG CITY – Magtatapos na ang dalawang termino ni Mayor Vico Sotto sa non-stop na …

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Sa ilang araw na lang bago ang Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, …

DOST-NCR Pinagsama ang Inobasyon at Tradisyon sa Pamana Agham

DOST-NCR Pinagsama ang Inobasyon at Tradisyon sa Pamana Agham

Pormal nang binuksan ng Department of Science and Technology – National Capital Region (DOST-NCR), sa …

Gem Castillo

Hiling bago pumasok ng politika, ipinagkaloob ng Diyos kay Mayora Gem Castillo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio WALANG imposible kapag ginusto ng Diyos. Ito ang makabuluhang tinuran …

Ara Mina

Ara hinihikayat tumakbong konsehal sa Pasig

I-FLEXni Jun Nardo MARAMI raw humuhikayat kay Ara Mina na tumakbo bilang konsehal sa Pasig City. Eh …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *