Wednesday , June 24 2026

Machinery vs. Popularity

EDITORIAL logoHALOS siyam na buwan na lang ang nalalabi at ang pambansang eleksyon ay idaraos na.  At sa paglipas ng mga araw, tumitining naman kung sino sa dalawang presidential aspirant ang tiyak na magpupukpukan sa Mayo 2016.

Si Vice president Jojo Binay na sa simula ay nanungunguna sa presidential race ay mukhang unti-unti nang naiiwan ng kanyang mga kantunggali na sina Interior Sec. Mar Roxas at Sen. Grace Poe.   

Malaki ang epekto ng Senate investigation laban kay Binay kaya sinasabing tuluyang maiiwan sa karera sa halalan.

Pero kung si Roxas at Poe ang talagang dikit na maglalaban, ano ang mangingibabaw para manalo ang alin man sa kanilang dalawa:  Ang machinery ba ni Roxas o ang popularity ni Poe? Bagamat matagal nang pinatunayan na ang popularity ay makapangyarihan para makapagluklok ng isang lider, hindi rin mapasusubalian na ang makinarya tulad ng organisasyon at salapi ay malaking bagay para makapagpanalo ng isang kandidato.

Malaki ang problema ni Poe kung popularidad lang ang kanyang aasahan. Hindi bubusugin ang kumakalam na tiyan ng mga botante kung popularity lang ni Poe ang kanilang aasahan. Ang ibig lang sabihin, gusto rin ng mga botante  na habang humihiyaw at kumakaway sila kay Poe, kahit papaano ay may nagbibigay rin sa kanila para malamnan ang kanilang mga tiyan.

Pero higit na mabalasik ang makinarya dahil tiyak na ang mga galamay nito ay tumatagos hanggang sa malilit na barangagy at sitio ng mga lalawigan. Marami ang nagsasabing hindi problema ni Mar ang popularity dahil sa mga susunod na buwan, siguradong kukunin ni Roxas ang mga botante sa pamamagitan ng makinarya ng LP.

Mahirap kung sa popularity lang nakasalig ang isang kandidato lalo na kung sinasabing pati ang Comelec ay kakampi ng LP.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Gulo sa Senado, tinapos ni Sen. Joel Villanueva

SIPATni Mat Vicencio NITONG nakaraang dalawang linggo, naging sentro ng kontrobersiya ang Senado dahil sa …

Firing Line Robert Roque

PhilHealth: Isang walang-pusong kabiguan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAY mga trahedyang hindi na kayang pagaanin ng kahit …

PADAYON Teddy Brul

Jacinta Ybardolaza at ang Kabataang Rizal sa Pakil

PADAYONni Teddy Brul BAGO pa man naging pambansang bayani si Dr. Jose Rizal, madalas na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Si Chiz karapat-dapat tumayong presiding officer sa impeachment trial

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng usapin at emosyon na nakapalibot sa impeachment trial …

Firing Line Robert Roque

Mga Araw ng Ulan at Araw ng Baha

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAGSIMULA na ang School Year 2026–2027 kasabay ng tag-ulan. …