Saturday , July 27 2024

Utol ni CGMA pumanaw na

PUMANAW na ang half-brother ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na si Arturo dela Rosa Macapagal.

Ayon sa abogado ni Arroyo na si Larry Gadon, bandang 6:40 a.m. nitong Martes nang bawian ng buhay si Arturo na naka-confine sa Makati Medical Center dahil sa sakit na prostate cancer.

Nitong Lunes, pinayagan si Congresswoman Arroyo na makabisita sa kapatid sa ospital nito sanang Martes ng hapon.

Kaugnay nito, hihilingin ng kampo ni Arroyo na ilipat ang venue ng furlough sa Heritage Park mula sa Makati Medical Center.

Si Arturo ay panganay sa dalawang anak ni dating Pangulong Diosdado Macapagal sa unang asawa na si Purita dela Rosa. 

Half-siblings nina Arturo at Cielo Macapagal si CGMA at kapatid na si Buboy Diosdado Jr., na ang ina ay si dating First Lady Evangelina Macapagal.

About Hataw

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *