Saturday , July 27 2024

Klase sa ilang paaralan sa Maynila suspendido (Dahil walang tubig)

SUSPENDIDO ang klase sa ilang paaralan sa Maynila kahapon hanggang sa Agosto 12 dahil sa pansamantalang kawalan ng tubig.

Walang pasok ang mga eskuwelahan sa District 2, 3 at 5.

Nag-anunsiyo na rin ang Pasay ng suspensiyon ng klase sa lahat ng antas mula Agosto 11 hanggang Agosto 12 dahil sa pansamantalang kawalan ng tubig dulot ng ginagawa ng Maynilad.

Nagsimula ang water service interruption nitong Lunes, 1 p.m. at tatagal hanggang 10 p.m. sa Huwebes. 

Magpapatuloy ito sa Agosto 17, 1 p.m. hanggang 3 p.m. sa Agosto 18.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Caloocan, Manila, Pasay, Parañaque, Makati, Muntinlupa, Las Piñas, Cavite City, Bacoor City, Imus City, at ilang bayan sa Cavite, kasama ang Kawit, Rosario at Noveleta.  

About Hataw

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *