Tuesday , November 29 2022

Sabit si Joel ng TESDA, amen!

EDITORIAL logoHINDI na dapat tumakbong senador si TESDA Director General Joel Villanueva matapos ireklamo ng National Bureau of Investigation (NBI) ng malversation, bribery at graft sa Ombudsman kaugnay sa multi-bilyong pisong pork barrel scam.

Si Villanueva ay isa sa mga mambabatas na inakusahang may kinalaman sa pork barrel scam, at nakinabang sa Prio-rity Development Assistant Fund o PDAF sa pamamagitan ng illegal na paki-kipagtransaksiyon kay Janet Lim Napoles.

Base sa reklamo, naka-kick back ang mga mambabatas, kabilang na si Villa-nueva sa kanyang PDAF ng 40 to 60 porsiyento o P2.330 milyon. Siya ang dating kinatawan ng party-list group na Citizens Battle Against Corruption o Cibac.

Binuo ang Cibac para labanan ang lahat ng uri ng katiwalaan sa pamahalaan.

Epal din si Villanueva.  Halos tuloy-tuloy ang kanyang TV commercial at ipi-nagmamalaki ang kanyang nagawa sa TESDA. Hindi ba naisip nitong si Villanueva na maituturing na early campaigning ang kanyang ginagawang pagmamayabang sa TESDA?

Ngayong nahaharap sa kasong malversation ang dating kongresista, nawa’y magnilay-nilay siya, at magdasal nang taimtim na ibigay sa kanya ng Diyos ang tamang daan at tuluyang hindi na tumakbong senador sa dara-ting na halalan.

Si Villanueva ay anak ni Jesus is Lord founder Eddie Villanueva.

Alleluia!

About Hataw

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Bigyang-pugay ang bagong BIR chief

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NABABAHALA sa walang kahirap-hirap na pagkakaroon ng access ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Makataong anti-illegal drug campaign ni PBBM, nakaisa ng shabu lab

AKSYON AGADni Almar Danguilan PUWEDENG-PUWEDE naman pala e. Ang alin? Ang malinis na pagpapatupad ng …

Jacinto Bustamante Benjamin Bauto Chess

Tagumpay sa Tagaytay City

CHECKMATEni NM Marlon Bernardino NAGING matagumpay ang pagbubukas ng Asian Juniors and Girls Chess Championship …

Dragon Lady Amor Virata

Tapang ni Bantag uubra kaya kay Remulla?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata LABASAN ng baho ngayon ang lumilitaw sa bibig ni …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang dreamer, ang optimist, at ang pessimist

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GOOD luck kay Bureau of Corrections (BuCor) Officer-in-Charge Gregorio …

Leave a Reply