HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng Pilipinas ang husay nito matapos maging pinakamahusay na bansang mula sa Southeast Asia sa ika-22 Asian U20 Athletics Championships. Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng mahuhusay na pagtatanghal matapos manalo ng silver at bronze medal, na nag-angat sa Team Philippines sa ika-13 …
Read More »Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya
Victory Liner iginagalang suspension order ng LTFRB
KINIKILALA ng Victory Liner ang preventive suspension order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sumasaklaw sa 26 units ng bus habang isinasagawa ang imbestigasyon kaugnay ng malagim na aksidente sa Tuba, Benguet noong 30 Mayo 2026. Sa opisyal na pahayag, nagpaabot ng pakikiramay ang kompanya sa pamilya ng namatay at panalangin para sa paggaling ng mga sugatan. …
Read More »
Speaker Dy, pamunuan ng Kamara pinuri Deputy Speaker Benitez
MATAAS NA TRUST RATING KREDITO SA TINUPAD NA MANDATO NG KONSTITUSYON
ni GERRY BALDO PINURI ni Deputy Speaker at Bacolod Lone District Rep. Alfredo “Albee” Benitez ang pamumuno ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III at ang sama-samang pagsisikap ng mga miyembro at kawani ng House of Representatives sa pagtaas ng tiwala ng publiko sa Kamara, na aniya’y nananatiling nakatuon sa mga reporma at pagtupad sa mga tungkuling itinakda ng Konstitusyon. …
Read More »Jinggoy balik-hoyo sa kasong plunder
HATAW News Team ITINULOY ng mga awtoridadang pag-arestokahit sinabing boluntaryong sumuo si Sen. Jinggoy Estrada sa PNP – Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) na nagtungo kahapon sa Senado para isilbi ang warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan 5th Division sa kasong Plunder at Graft kaugnay ng P573-milyong flood control scandal. Hindi pinapayagang makapaglagak ng piyansa ang akusado sa …
Read More »Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open
NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle Madis ang kampeonato sa kani-kanilang dibisyon sa kauna-unahang Palawan Open na ginanap sa Rizal Memorial Tennis Center sa Malate, Maynila noong Linggo. Pinatunayan ni Papa ang kanyang husay matapos talunin si Alberto Lim Jr., 6-4, 6-4, sa men’s singles final. Dahil sa kanyang tagumpay, naiuwi …
Read More »10 na patay sa gumuhong gusali sa Angeles City
UMABOT na sa 10 ang bangkay na nakuha ng mga search and retrieval team mula sa gumuhong itinatayong 9-storey building nang makarekober ng apat pang katawan kahapon sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga. Sa ulat ng Angeles City Information Office, dakong 7:50 ng umaga nitong Linggo nang marekober ang ikapitong bangkay sa Quadrant 2 ng gumuhong gusali habang ang ika-walong …
Read More »
Mula sa Navotas LGU
Graduates nakatanggap ng financial assistance
NASA 3,776 Grade 6 completers ang nakatanggap ng P500 bawat isa habang may 1,986 Grade 12 completers ang nabigyan ng P1,000 bawat isa, bilang bahagi ng pagsuporta sa edukasyon at pagpapagaan ng pinansiyal na pasanin sa bawat pamilyang Navoteño. Ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay namahagi ng cash incentives sa Navoteño students na nagtapos sa mga pampublikong paaralan ng lungsod …
Read More »
Sa Muntinlupa
Bebot arestado sa P1.08-M shabu
NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang 20-anyos babae na naaktohang nagbebenta ng P1.08-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang undercover agent sa lungsod ng Muntinlupa, nitong Biyernes, 29 Mayo. Dinakip ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Muntinlupa City Police Station (CPS) ang suspek na kinilalang si alyas Madam, nakatala bilang high-value drug suspect, dakong 9:15 ng gabi …
Read More »
Pahayag ng NBI
Subpoena sa misis, walang kinalaman sa manhunt kay Bato
KLINARO ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag nitong Linggo na walang kaugnayan sa paghahanap kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang posibleng pagpapatawag nila kay Nancy dela Rosa. Ang pahayag ay kasunod ng naunang paghimok ni Senador Panfilo Lacson sa NBI na huwag ituloy ang summons, na maaaring ituring na harassment, pagpapakita ng kawalan ng kakayahan sa …
Read More »28-M estudyante papasok sa 8 Hunyo 2026 – DepEd
AABOT sa 26 hanggang 28 milyong estudyante ang mag-e-enroll para sa School Year (SY) 2026–2027. Ito ang pagtataya ng Department of Education (DepEd). Inihayag ito ni DepEd Assistant Secretary Jocelyn Andaya kasunod nang nalalapit na pagbubukas ng klase sa susunod na Lunes, 8 Hunyo. Tiniyak ni Andaya na mayroon silang sapat na bilang ng mga teaching at non-teaching personnel …
Read More »
El Niño posible hanggang Disyembre
Publiko pinayohang magtipid, mag-recyle ng tubig, at mag-imbak mula sa ulan
PINAALALAHANAN ng National Water Resources Board (NWRB) ang publiko na magtipid sa paggamit ng tubig dahil mas mababa na sa minimum operating level ang Angat Dam — ang pangunahing pinagkukuhaan ng tubig sa Metro Manila. Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, Jr., bumagsak sa 173.4 meter ang water level ng Angat na mas mababa sa 180-meter minimum operating level. …
Read More »
Baseco Compound tinupok ng sunog
18-anyos lalaki patay, 85 pamilya apektado
NAG-IWAN ng isang patay habang 85 pamilya ang apektado sa sunog na sumiklab sa Baseco Compound, Port Area, sa lungsod ng Maynila, nitong Sabado, 30 Mayo. Kinilala ng mga awtoridad ang namatay na si Karim Montes Natividad, 18 anyos, residente sa Block 1 Dubai No. 532, sa kabila nito kinompirmang walang naiulat na nasaktan o nasugatan sa insidente. Ayon sa …
Read More »Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano
AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono si dating Senate President (Senator) Tito Sotto, lalong lumobo ang negatibong kritiko sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso. Hindi lingid sa kaalaman ng bayan, ang mga kaganapan sa Senado bago ang botohan para sa pag-upo ni Sen. Alan Peter Cayetano bilang Senate President. Nandiyan ang …
Read More »
Sa impeachment at flood control
AKSIYON NG SENADO ESTRATEHIKO – POLITICAL ANALYST
ISANG mabilis at estratehikong hakbang ang ipinamamalas ng bagong pamumuno ng mayorya sa Senado upang patunayang hindi sila naparalisa ng mga kritisismo at politikal na ingay ng mga kritiko. Ito ang naging pag-aanalisa at obserbasyon ng mga political analyst ukol sa kasalukuyang direksiyon ng mataas na kapulungan, sa gitna ng mga espekulasyon at akusasyon ng pagkakaroon ng mga “hidden agenda”. …
Read More »
Sa Articles of Impeachment
ULTIMATUM NGAYON PARA KAY VP SARA
ni Niño Aclan HANGGANG ngayong araw, 1 Hunyo, ang ultimatum na ibinigay ng impeachment court kay Vice President Sara Duterte – Carpio para sagutin ang inihaing Articles of Impeachment ng Kamara laban sa kanya. Matapos magtilon ang senado bilang impeachment court ay agad naglabas ng summons para tumugon ang kampo ng bise presidente sa loob ng sampung (10) araw. Inihayag …
Read More »Mula workshop hanggang pelikula, at mga bagong artista handang magpasiklab
ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio “XANADU” may sekreto, may takutan, may mga rebelasyong hindi mo inaasahan! Handa na ba kayo sa isang suspense-thriller na magpapaisip, magpapakaba, at baka magpagulat pa sa inyo? Usap-usapan ngayon ang nalalapit na pagpapalabas ng “XANADU”, ang kauna-unahang full-length suspense-mystery-thriller ng participants ng NDM Plus Acting Workshops, sa mentorship ng bantog na acting teacher na si Direk Nijel …
Read More »Angela maagaw kaya ni Rabin kay Zeke?
ni Allan Sancon MULING mag-iinit ang puso ng mga tagahanga ng Drake Palma Series dahil sa pagbabalik ng tambalang kinahumalingan ng marami! Sa Dating Alys Perez, muling magtatapat ang dating magkasintahan na sina Drake Palma at Alys Perez, ngunit sa pagkakataong ito, may bagong lalaking nakahawak sa puso ng dalaga. Kaya naman tiyak na sasabog ang tensiyon kina Rabin Angeles, Angela Muji, at sa newcomer …
Read More »DJ Janna Chu Chu simple pero espesyal at memorable ang kaarawan
MATABILni John Fontanilla SIMPLE pero espesyal at memorable ang naging post birthday celebration ni Barangay LSFM DJ Janna Chu Chu na ginanap kamakailan sa Japer’s Buffet Mix Filipino Cuisine na pag/aari ni Mr Jaime Perino sa may National Bookstore Bldg. Quezon Avenue Quezon City. Espesyal para kay DJ Janna Chu Chu ang birthday celebration dahil ang mga taong inimbitahan ay ang mga mahal niya at malapit sa …
Read More »Jake anim na taon nang ‘di umiinom ng alak
MATABILni John Fontanilla TINIGILAN na raw ni Jake Cuenca ang pag-inom ng alak. In fact, anim na taon na siyang hindi umiinom ng nakalalasing na inumin. Sa interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi nitong, “I don’t drink alcohol anymore. I’ve given it up. “It’s almost like I was relying on it too much, parang ‘yun na ‘yung …
Read More »Sherrymae iuuwi korona ng Miss Foreign World Philippines 2026
HARD TALKni Pilar Mateo TOTOO naman na tayong mga Pinoy ay sobrang haling sa mga beauty pageant. Paligsahan ng kagandahan at patalinuhan din. Bonus na lang ang mga seksing kurbada ng mga katawan in their swimwear. Sa Setyembre 27- Oktubre 4, 2026, may sasalihan na naman ang mga Pinay. At sa pagkakataong ito, dadalhin niya ang Pilipinas sa Kathmandu, Nepal …
Read More »SB19, James Reid, BINI, Dionela, Maki, TJ Monterde nominado sa 17th Star Awards for Music
MATABILni John Fontanilla BIGATING mga pangalan at mga awitin sa industriya ng musikang Pinoy ang magtutunggali para makamit ang mga prestihiyosong tropeo at parangal sa 17th Star Awards for Music ng PMPC Star Awards Inc. na gaganapin sa Teatrino Promenade, Greenhills, San Juan City sa Hunyo 25, 2026. Pangungunahan ng labanan para sa Song of the Year ng Salamin, Salamin ng BINI; Palagi ni TJ Monterde; Dilaw ni Maki; Multo ng Cup of Joe; Nami-miss Ko Na ng Lola …
Read More »Dylan Menor pinalitan ni Zeke Polina sa Dating Alys Perez
MATABILni John Fontanilla MAPAPANOOD na sa June 12 ang bagong series ng tambalang RabGel (Rabin Angeles at Angela Muji) ang Dating Alys Perez na exclusive na mapapanood sa Viva One at idinirehe ni Crisanto B. Aquino. Kung sa Seducing Drake Palma ay ginampanan ni Dylan Menor ang character ni Tripp Palma, sa Season 2, ang Dating Alys Perez, si Zeke Polina na ang gaganap na Tripp Palma. May halong kaba at excitement ang nararamdaman ni Zeke …
Read More »Alfred gumuho ang mundo nang ibasura kaso laban kay Rob Sy
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Alfred Vargas na sobra siyang nalungkot at nadesmaya sa desisyon ng korte laban sa isinampa nilang kaso kay Rob Sy. Aniya tila gumuho ang kanyang mundo nang ibinasura ng Manila City Prosecutor’s Office and Child Abuse Complaint na isinampa niya at ng misis niyang si Yasmine kay Rob at partner nito. Bagama’t hindi maganda ang desisyon, nagpapasalamat naman si …
Read More »Pekeng survivor ng gumuhong gusali sa Angeles City tiklo
DINAKIP ang isang lalaking nagpanggap na nakaligtas sa pagguho ng gusali sa lungsod ng Angeles, Pampanga matapos matuklasang peke ang kaniyang hawak na ID sa isang follow-up investigation ng mga awtoridad nitong Sabado, 30 Mayo. Naganap ang insidente sa command post na itinayo malapit sa gumuhong gusali sa Oak at Teodoro St., sa Brgy. Balibago, sa nabanggit na lungsod, kung …
Read More »
Sa Bulacan
Founder ng Gawad Kalinga timbog sa qualified trafficking
INARESTO ang founder ng Gawad Kalinga na kabilang sa most wanted persons sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa bayan ng Angat, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 30 Mayo. Isinagawa ang pag-aresto ng tracker team ng Provincial Intelligence Unit ng Bulacan PPO, sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company at Angat Municipal Police Station (MPS), …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com