Thursday , June 4 2026

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Mega lindol paghandaan — Palasyo

HINIMOK ng Palasyo ang publiko na makipagtulungan sa mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan para mapalakas ang kahandaan sa lindol at iba pang kalamidad. Ang pahayag ng Malacañang ay kasunod ng babala ng Philippine Institute for Volcanology and Seismology (Phivolcs) na hinog na ang West Valley Fault para sa isang posibleng mega earthquake sa Metro Manila at karatig lalawigan na kikitil …

Read More »

6 taon kulong ‘sentensiya’ ng BFP Spokesperson sa Kentex fire  

MAAARING makulong ng mula anim buwan hanggang anim na taon ang may-ari ng Kentex Manufacturing Corp., at iba pang responsable sa malagim na sunog sa pagawaan ng tsinelas na ikinamatay ng 72 katao sa lungsod ng Valenzuela. Ito ang paniniwala ni Bureau of Fire Protection spokesman Supt. Renato Marcial at sinabing dapat managot ang mga responsable sa insidente dahil maraming …

Read More »

Immigration “Entry for a fee, fly for a fee” racket pinaiimbestigahan sa NBI

ANG buong akala ko nagbago na ang kalakaran sa Bureau of Immigration (BI) sa ilalim ng admi-nistrasyon ni Pangulong Pnoy, ‘yun pala naging mas malala pa ‘ata. Ang nakalulungkot, ang taong inaasahang dapat magpatupad ng batas, si BI Commissioner Siegfred B. Mison, ang umano’y siya pang nagbibigay-basbas sa ilegal na mga gawain sa nasabing ahensiya. Kung totoo man ito, sa …

Read More »

Tinalikuran ni Grace si FPJ

KUNG tatanggapin ni Sen. Grace Poe ang inaasahang nominasyon ni Pangulong Noynoy Aquino bilang vice presidential candidate ng Liberal Party (LP) sa 2016 elections, kasingkahulugan ito ng pagtataksil sa inumpisahang laban ng kanyang amang si  Da King Fernando Poe, Jr. Ang milyon-milyong supporter ni FPJ ay umaasa kay Grace na kanyang ipagpapatuloy ang naudlot na laban ng kanyang ama, at …

Read More »

Talamak na shabu isinisi ng PNP sa China

KINOMPIRMA ng pamunuan ng pambansang pulisya na mula sa bansang China ang malaking bahagi ng suplay ng shabu na naibebenta sa bansa. Ayon kay PNP spokesperson, Senior Supt. Bartolome Tobias, dahil mahigpit ang monitoring at operasyon ng mga awtoridad sa mga shabu laboratory sa Kamaynilaan kaya’t ini-import na lamang ng drug dealers ang kanilang ibinibentang shabu. Isiniwalat din ng PNP …

Read More »

Waiver sa bank accounts, iginiit ni Lacson kay Binay

Muling iginiit ni dating Senador Panfilo Lacson kay Bise Presidente Jejomar Binay na bigyan ng waiver ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa mga bank accounts nito para maging malinaw sa sambayanan kung mayroon siyang tagong yaman. Ayon kay Lacson, kabilang sa mga awtor ng  Anti-Money Laundering Act, hindi maganda ang laging pag-atras ni Binay upang ipaliwanag kung paano siya yumaman …

Read More »

P12-M budget sa upgrade ng PAF OV-10

NASA P12 milyon pondo ang inilaan ng pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) para sa pag-upgrade ng kanilang OV-10 “Bronco” attack aircraft, lalo na sa pagbili ng spare parts at sa maintenance nito. Ayon sa Philippine Air Force (PAF), ang nasabing pondo ay kanilang gagamitin sa procurement ng “electrical, pneudraulic and APG System requirements” para sa OV-10 bomber plane. Sa …

Read More »

Kentex, DOLE, BFP idiniin sa multi-violations (Dapat managot sa batas)

IBA’T IBANG paglabag sa panuntunan at batas ang posibleng sanhi ng pagkamatay ng 72 trabahador sa pabrikang nasunog sa Valenzuela City, ayon sa fact-finding team na binubuo ng apat na labor groups. Sa imbestigasyon ng Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR), Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER), Institute for Occupational Health and Safety Development (IOHSAD) at …

Read More »

Naghuhugas ba ng kamay si Mayor Rex Gatchalian sa pagdidiin sa may-ari ng Kentex?

MAYROONG dapat managot sa pagkamatay ng 72 manggagawa, empleyado at anak ng may-ari ng KENTEX Manufacturing, ang pabrika ng tsinelas na nasunog sa Valenzuela City. Idinidiin ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian ang pananagutan sa may-ari ng nasabing pabrika. Pero, ang may-ari lang nga ba ang dapat managot?! Maraming dapat managot, at mismong si Mayor Rex Gatchalian ay mayroong command responsibility …

Read More »

Poe vs Binay trending na sa social media

ETO na!!! Naglabasan na sa mga website ng social media ang posibleng paghaharap nina Vice President Jojo Binay at Senadora Grace Poe sa 2016 presidential election. Ito’y matapos kausapin ni Pangulong Noynoy Aquino si Poe at ipahayag na nasa pagkatao ng Senadora ang hinahanap niya para ipagpatuloy ang kanyang nasimulang “tuwid na daan.” Lalo pang tumindi ang paniniwala ng marami …

Read More »

Kaso ni Kap Borbie Rivera ng Pasay masalimuot at malalim

SA araw na ito, maselang topic ang ating tatalakayin. Patungkol ito sa masalimuot at napakaruming klase ng politika sa lungsod ng Pasay. Ngayon pa lamang ay ramdam na ang init ng magiging labanan sa nasabing siyudad. Hindi uso sa Pasay ang parehas at marangal na labanan. Gaya nang ating nasabi na sa ating mga nagdaang pagtalakay, ang lungsod ay pinananahanan …

Read More »

Kalinga Governor Joel Baac hindi na natuto!

INULIT na naman pala ni Kalinga Governor Joel Baac ang pisikal na pananakit. Sa pagkakataong ito, ang provincial board secretary na si Matthew Matbagan naman ang nakaranas ng ‘mabigat at malupit na kamay’ ni Governor. Kung hindi po ninyo naaalala, si Mr. Baac po iyong gobernador na sinuspendi ng Malacañang noong 2012 dahil sa kanyang pagsugod sa isang radio station …

Read More »

Kalinga Governor Joel Baac hindi na natuto!

INULIT na naman pala ni Kalinga Governor Joel Baac ang pisikal na pananakit. Sa pagkakataong ito, ang provincial board secretary na si Matthew Matbagan naman ang nakaranas ng ‘mabigat at malupit na kamay’ ni Governor. Kung hindi po ninyo naaalala, si Mr. Baac po iyong gobernador na sinuspendi ng Malacañang noong 2012 dahil sa kanyang pagsugod sa isang radio station …

Read More »

Labi ng 72 obrero na natupok sa Kentex inilibing (Habang hinihintay ang DNA results)

PANSAMANTALANG inilibing ang 72 manggagawa na namatay sa naganap na sunog sa pabrika ng tsinelas sa Valenzuela City. Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, nitong Huwebes ng gabi inilibing ang 21 biktima sa Arkong Bato Public Cemetery habang ang 48 ay kahapon ng hapon sa nabanggit ding sementeryo. Aniya, ang pinaglibingan sa mga biktima ay temporary internment lamang habang …

Read More »

Tagumpay ng El Gamma sa AGT pinuri ng Palasyo

ANG tagumpay ng El Gamma Penumbra ay sumasagisag sa angking talino at husay ng mga Filipino na sa maraming pagkakataon ay napatunayan na sa iba’t ibang larangan. Ito ang pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. makaraan itanghal na kauna-unahang winner ang grupong El Gamma Penumbra sa Asia’s Got Talent sa Singapore kamakalawa ng gabi. Tinalo ng grupo ang walong …

Read More »

US deployment plan sa West PH Sea aprub sa AFP

SUPORTADO ni AFP chief of staff General Gregorio “Pio” Catapang Jr., ang plano ng Estados Unidos na mag-deploy ng barko at aircraft na magpapatrulya sa West Philippine Sea para tiyakin na mayroon pa ring ‘freedom of navigation’ sa lugar. Ayon kay Catapang, wini-welcome nila ang nasabing plano ng Estados Unidos. Kasabay nito, kanya ring tiniyak na pagtutuunan ng pansin ng …

Read More »

Sen. Grace Poe pinag-aagawan  

BAGAMA’T baguhan sa mundo ng politika, sa lakas ng dating ni Sen. Grace Poe at mabilisang pagtaas ng kanyang ratings sa mga naglabasang survey ay pinag-aagawan siya ng mga partido. Nagpahayag na ang kampo ng United Nationalist Alliance (UNA) ng interes na kunin siya para maging tandem ni Vice Pres. Jejomar Binay sa pagtakbo para pangulo. Pero mayroon naman nagsasabi …

Read More »

Hindi dapat ipagsawalang bahala ang trahedya sa Valenzuela

ISA na namang kalunos-lunos na trahedya ang sumampal sa mukha ng sambayanan na sa unang tingin ay dahil sa kapabayaan at kahirapan. Kamakailan, nabasa pa natin sa mga pahayagan na natuwa umano ang Malacañang dahil lumiit daw ang bilang ng mga nagugutom sa bansa. Ayon daw sa survey, tatlong milyon na lang umano ang nagugutom sa bansa. Baka matuwa ang …

Read More »

Holdaper utas sa pulis

NAPATAY ang 22-anyos lalaki nang nagrespondeng pulis makaraan holdapin ang isang empleyado kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City. Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Muntinlupa sanhi ng tama ng bala sa katawan ang suspek na si Paulo Drio, nakatira sa 2317 Magenta St., Goodwill, Homes 2, Sucat, Parañaque City. Habang ang biktima ay kinilalang Alex Lagaa, 26, HR …

Read More »

Pacman binigyan ng hero’s welcome sa GenSan

SINALUBONG ng hero’s welcome si Manny Pacquiao sa kanyang pag-uwi sa General Santos City, Biyernes ng umaga.  Sa airport pa lang, dumagsa ang mga kababayang nag-abang sa flight ni Pacman na lumapag pasado 8:30 a.m. Kasama ng boksingero ang misis na si Jinkee, mga anak, at ilang miyembro ng kanyang coaching staff.  Habang hindi natuloy ang ikinasang arrival honors sa …

Read More »

K-12 program tuloy — PNoy

TULUY-TULOY ang paghahanda ng administrasyong Aquino ngayong taon sa mga kakailanganin para sa implementasyon ng K to 12 program gaya ng textbooks, silya, silid-aralan at mga dagdag na guro. Ito ang tiniyak ni Pangulong Benigno Aquino III sa harap ng mga pagtutol sa implementasyon ng K to 12 program. Ayon sa Pangulo, batid niyang marami ang mga balakid at tumututol …

Read More »

2,177 biktima grabe sa HIV-AIDS

NASA malubha nang kondisyon ang 2,177 HIV-AIDS victims sa bansa mula sa kabuuang 24,376 na nagpositibo sa naturang sakit mula noong 1984. Ayon kay Dr. Karen Junio, pinuno ng HIV/AIDS Surveillance Team ng Department of Health Region I, sa nabanggit ding bilang, 1,167 lamang ang nai-report o mismong ang pasyenteng nakararanas ng sakit ang sumangguni sa doktor. Posible pa aniyang …

Read More »